Thursday, July 31, 2008

ay.tot.so

 --->>   tt   <<---

Maganda 'to!

May bigla akong naisip...

Isang maganda, kapaki-pakinabang at sadyang napakahusay na paraan para makita ulit si Idol


Wednesday, July 30, 2008

wouldn't it be nice to be happy... again?

It's Wednesday night, Born to be Wild night. Thank God for Garduch-sama. I feel a bit better now but I can still feel the loss. Good friends, good food and cute crushes on the side always help. I will bring my happy self back soon, hopefully. Gambatte!!!

Tuesday, July 29, 2008

† July 29, 2008 †

Naiisip mo ba kung paano ang manakawan ng inipon mong mga alala?

Ang maagawan ng lahat ng iyong pinaghirapan?

Ang iyong mga nalikha ay maitapon sa basura?

Pagdamutan ng pagkakataon dahil "gano'n talaga"?

Mamugto ang mata sa pagluha dahil wala ka nang ibang magawa?

Isang saglit puspos ka ng tuwa, sa sumunod manghina at mawalan ng pag-asa?

TANGINA TALAGA TEKNOLOHIYA.

Di na kita [ikaw na nagbabasa] aabalahin sa masaklap na kinahinatnan ng araw na ito dahil ayaw kitang idamay sa pagkasira ng araw ko. Sana lang umayos din ang pakiramdam ko pagkagising ko mamaya o baka pati araw mo ay masira ko pag nagkita tayo.

SANA GUMANDA ANG ARAW NG LAHAT.

hindi ako okay ~x(

anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignatanignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat anignat

Ayos na ang cellphone ko...

Ako sira pa rin. 

Balik te-te-te-textting na ulit tayo. Globe and Smart. Di ko na ipo-post number ko dito dahil ayoko ng text spam.

Yun lang. Salamat.

Monday, July 28, 2008

DLSU-DMS Orientation Seminar






DLSU-DMS Orientation Seminar
July 2, 2008, Wednesday
POLCA Conference Hall
12:00 - 4:00 pm

With guest speaker/s:
Noelle Wenceslao, Carina Dayondon, Janet Belarmino

of the First Philippine Mount Everest Expedition Team
and the First Southeast Asian Female Everest Summiteers

DLSU-DMS Treeplanting with HSBC




DLSU - DasmariƱas Mountaineering Society
Mts. Palay-palay and Mataas na Gulod National Park
Ternate, Cavite
July 12, 2008

DLSU-DMS @ TNF 100




We were there!!!


The North Face 100 Trail Run
Evercrest Golf Club and Resort
Nasugbu, Batangas
July 25 - 27, 2008

Next year, sasali na ako. YEAH!

Garduch-sama




He was at The North Face 100 event and so were we. Ayos!



The North Face 100 Trail Run
Evercrest Golf Club and Resort
Nasugbu, Batangas
July 25 - 27, 2008

So SONA... NOT!!! So not. Hahaha

Hindi ito tungkol sa SONA dahil, una, hindi ako nanonood no'n at, pangalawa, SONA or no SONA, alam naman natin ang tunay na kalagayan ng bansa.

Ayt? So much for that. Moving on...

Teka. Ito na. Hinga ng malalim sabay sigaw...

Nang pabulong: WAAAAIIIYIHEEEEEEEEE!!!

Nakita ko na ulit siya! Nakausap ko na rin siya! Nakuha ko na rin number niya! Wahahaha. Kung alam mo lang, muntik nang malaglag ang puso ko at nanginginig ang lola mo. Wahahaha. Tae. Di ko alam kung ano ang itsura ko nun pero di ko maitago ang kaba at saya. Nasabi ko na. Isasama ko siya sa first climb as guest. Tuloy na ang maitim kong balak. Bwahaha. Walang kokontra.

Ayos talaga. Umaayon sa 'kin ang universe. Alam mo ba kung paano ko siya nakita at nakausap? Ganito 'yun.

Wala ang prof ko sa kaisa-isa kong subject para sa araw na ito kaya tumambay na muna ako sa opisina ng HF. Wala din ginagawa dun at mainit pa rin dahil di pa rin ayos ang aircon. Tatlong buwan na iyon, sobrang bagal ng Purchasing Dep't. Naisip kong umuwi na ng mga bandang alas diyes. Sa Gate 1 ako dumaan, as usual. At gaya ng nakasanayan, silip mode ako sa posibleng pagkakitaan ko sa kanya dahil nasabi sa aking nakikita siya minsan sa mga lugar na iyon. Pero wala akong nakita dun. Anyway... Dahil walang takoyaki, kwek-kwek na lang kinain ko. Sumakay ako ng jeep at umupo dun sa tabi ng driver. Di pa agad ako nagbayad dahil somehow, may nararamdaman akong something. Inintay kong makaraan  sa AMA. Nang nasa may AMA na, sa isa sa mga tindahan sa malapit dun, natatakpan ng trapal may nakita akong pamilyar na pangitain, 'yung bag na itim na may kulay orange at brown na pantalon. Lumampas ng konti, sinilip ko ang mukha ng may-suot ng mga bagay na yon. At di ako nagkamali, siya nga iyon. Ilang segundo pa, dali-dali akong nagbayad, bumunot ako ng 10-piso sa bulsa, pumara, dito na lang po, sabay baba.

This is it. May gulat, walang malisya epek. Tumingin-tingin ako sa ibang direksyon para kunwari di ko sya nakita. Tapos nakita ko syang lumingon sa direksyon ko. Napatingin na rin ako. Kunwari di ko siya nakilala, naningkit ang mata, biglang, uyyy... Nilapitan ko siya and the rest is history. Bleh.

Ilalagay ko pa ba yung convo namin dito? Wag na. Akin na lang 'yung memory na 'yun at saka para may element of secrecy. Aiyeeeh. Hahahaha. Kelan ba preclimb meeting? Ahihi.

Ang saya ko, YEAH!!!

Sunday, July 27, 2008

Guess who I met AGAIN today...

Kapalaran.

Fan girl meets idol, ang eksena:

(umabot na si Idol sa finish line, nilapitan si fangirl si idol)

Fan girl: Uyy, si Idol!

(Paunti-unting lumapit hanggang makarating sa kinatatayuan ni Idol)

Fan girl: Sir, pwede po bang magpa-picture? (inagaw si idol sa kausap nito)
Idol: (pabiro) Bakit, ano'ng meron? (papasok ang mga groupies)

(*click*click*)

Idol: Bakit di kayo tumakbo?
Fangirl: Ang aga po (sabay tawa)
Idol: Mga tamad..

(*click*click*)

Idol: Dapat tumakbo kayo. Tignan ninyo ko di ako tumatakbo pero...
Fan girl: Sir, kayo po ipinunta ko dito.
Idol: Ows? (napangiti ata? hehe)

(*click*click*)

Fan girl: Sir lagi po akong nanonood ng Born to be Wild (show ni Idol).
Idol: Kawawa ka naman lagi kang puyat

(*tawanan*)

Fan girl: Sir thank you po.
(tumango si Idol)
Fan girl: Ay, sir, Levy po. DSLU-DasmariƱas Mountaineering Society)
(kinamayan ni Fan Girl si Idol)
Idol: Ah, DasmariƱas. Oo...

Exit.

End of scene.

*Flashback*

Natutulog Si Fan girl at ang groupies sa sasakyan hanggang sa may tinig mula katahimikan ang nagsabing (parang echo 'yung boses kasi half-asleep si Fan girl)

Boses: Anjan si Romi Garduce.
Fan girl: Talaga anjan sya? Wow. (Excited pero sabay tulog ulit)

*Isa pang flashback*

Boses: (Siya pa rin ito)Anjan si Romi tatakbo sya.
Fan girl: Ows? (Excited na lalo) Tara dun (sa venue/ starting at finish line)

At humayo na nga ang groupies.

*flashback, one more time*

Hyper sa sobrang saya na si Fan girl at nanginginig ang tuhod sa sobrang galak.

*End of flashbacks*

AYOS talaga ang araw na ito. DESTINY. AT di pa jan nagtatapos.

Nakita ni Fan girl ang isa pang Idol. Nilapitan ng walang pag-aalinlangan.

Fan girl: Sir, pwede po magpa-picture?
Idol # 2: Sure.

(Hinarang ni Fan girl ang groupies bago pa man ito makalapit kay Idol #2)

Fan girl: Ako muna. Solo.

(picture-picture)

(Sumunod na ang iba pang groupies at nagpa-picture kay Idol #2)

End of scene.

At ito pa:

Nakaupo ang groupies sa lobby. Nagpapahinga kahit di naman sila napagod. May lumabas mula sa hotel.

Pr-in-ocess ni Fan Girl ang identity ng naturang nilalang. Ilang saglit pa...

Fan girl: Uy, si Drew Arellano. (Oo, sya nga)

Tinuro ni Fan girl sa groupies at nagbigay ng kani-kanilang komento kung gaano ka-cute si Drew Arellano. Pero di sila nakapagpa-picture. Nevermind. Hehehe.

Tapos.

At ito, isa na lang.

Sa parking lot, bago tumungo ang groupies sa venue ng event.

May dumaang magarang sasakyan at makisig na nilalang ang nagmamaneho dito.

Fan girl: (Napatingin) Uy, parang kilala ko yun ah. Si (isip-isip) Fernando (Zobel de Ayala, oo, kamukha)

Di sigurado si Fan girl.

Hanggang dumating ang awarding ceremonies. In-announce ang pangalan ng mg nanalo.

Host: And the (di maalala) place in the (di rin maalala, leg ng race)  male category goes to  Fernando Zobel de Ayala... (ngunit nakaalis na siya)

Fan girl: Tama. Siya nga ang nakita ko kanina.
Groupie: Ah, yung dumaan kanina...

Tapos ang eksena.

Ayos, 'di ba? Hango yan sa tunay na buhay. Kanina lang yan nangyari at di pa ako maka-getover. Ayos talaga. Destiny ko ang makasama sa biglaang lakad na ito. Sobrang biglaan lang talaga. May ka-chat lang akong mga kaibigan kagabi tapos sabi, tara sama ka na [sa The North Face 100K Trail Run sa Nasugbu], tapos madami pang sumunod na pangyayari pero nagtapos ang lahat sa pagsama ko at pagkaganap ng mga pangyayaring ito. May some kinda balak din sanang mag-dayhike sa Batulao pero di na natuloy dahil di prepared pero okay lang. Ang saya ko naman. Woooh!

Legend: Idol = Romeo 'Romi Garduch' Garduce [Garduch-sama], Boses = Kuya PJ, Groupies = DLSU-DMS Alumni; Mam Joy, Mam Audrey, Mam *nakalimutan ko pangalan*, Sir Patrick + Joan, Kaibigan = Joan, Idol #2 = Leo Oracion, Drew Arellano as himself, Fernando Zobel de Ayala as himself and Myself as Fan girl.

Madami pang kwento sa likod ng kaganapan ng mga pangyayaring ito pero ang mahalaga ay

MASAYA AKO. IKAW MASAYA KA BA? Hahahaha

Isa pang masayang pangyayari ay ang 'sikretong' inatas ko sa isang kaibigan. Wahaha. Malapit ko na ulti makita si Kawaii Boy. Bwahaha.

Akyatan na ulit, malapit na. Yehey.

Photos coming soon. Puyat ang may-ari ng camera. Patulugin muna. Hehehehe.

Bago tayo magpaalam, recall muna.

Friday, nanood ako ng DLSU Pops Orchestra. Ang galing. Pangarap ko rin ang kumanta na may kasabay na ochestra [gusto ko rin ng may choir, hehe]. Ang galing; birit kung birit hindi gaya ng iba jan *insert pangalan ng isang grupong may kinalaman sa musika, bwahaha!* na, ayon sa isa pang kaibigan, ay parang umuungol at mas magaling pa ang aso nya [sa pag-ungol, wahaha]. Saturday, BMC. Nakilala ang ilang alumni members ng DMS at nakalibre ng lunch [Pancit Malabon c/o Sir Jay-jay]. Ito rin yung araw na kinulit ko ang isa pa ulit na kabigan tungkol sa isang sikretong misyon, *evil grin*. Sabado ng gabi... Ang fateful night na nag-lead sa sugoi na araw na ito.

***

Yan. Tama na muna yan para ngayong araw. Sige, kita tayo sa mata!

PS: Posted July 28, 2008 at 5:45, may nakalimutan akong ilagay. 

Nung nilapitan ni Fan Girl si Idol, Nag-joke ang kasama nito.

Friend ni Idol: Ikaw ba si Oracion? *tawa
Idol: Emata. Emata.

(sabay pose para sa groupies)

End. Hehehe Buti naalala ko.

Saturday, July 26, 2008

d-a-i-s-u-k-i ;-P

I woke up today with this feeling that better things are coming my way...

I believe they are, and I can't wait.

Wednesday, July 23, 2008

Wanna play?







Let's try my new toy.

Maalam ang langit

Minsan may dumarating na hindi natin inaasahan. Minsan o mas madalas hindi natin agad ito nauunawaan hanggang isang araw, bubukas ang langit at makikita natin ang liwanag. Sisikat ng maigi ang araw hanggang sa pawisan tayo ng balde-balde, masusunog ang balat sa pagkabilad. Mauuhaw ka, halos ma-dehydrate sa sobrang init tapos biglang magtatago ang araw sa mga ulap at papatak ang ulan.

Payong ay bubuksan.

Di ko matandaan kung kailan ko binili ang paborito kong sneakers. Di ko rin matandaan ang huli o ni ang unang beses na ito'y aking nilabhan. Sobrang init kanina, pawis na pawis ako dahil kami'y nag-circulate ng dyaryo. Madumi na [pero mabango pa rin] ang buhok ko dahil sa polusyong di maiwasan sa pagbagtas ng daan patungo sa pamantasan.

Sakto biglang umulan.

Mainit pa ng lumabas ako kasama ang isang kaibigan para humanap ng makakainan ng tanghalian. Nasa kasarapan kami ng pagkain nang magsimulang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Tila flashflood ang sinuong namin paahon mula sa kainan doon sa may baba ng 7-11. Tela pa naman ang yari ng sapatos kong, in fairness, ay matibay. Malakas na nang sobra ang ulan nang makapasok kami sa paaralan. Dumadagundong ang kulog habang naglalakad kami sa kahabaan ng Lake Park Avenue. Ang sarap maglakad sa ulan pero sobrang hindi ako prepared. Basa ako all-over, from head to foot. Ayos.

Malas lang?

HINDE.

Ang tawag dun DIVINE INTERVENTION.

Monday, July 21, 2008

DLSU-DMS Basic Mountaineering Course

Start:     Jul 26, '08 08:00a
Location:     JFH Bldg. Room: TBA





DLSU - DMS
Basic Mountaineering Course
Lecture and Application

You are invited to attend the DLSU-DMS Basic Mountaineering Course [BMC]
This OPEN TO ALL members, applicants, outdoor enthusiasts, and interested individuals

July 26, 2008
8:00am - 5:00pm
JFH Bldg. Room: TBA

For further inquiries, please contact:
ROYCE - 09234352343
CHRISTIAN - 09054534346
ANNA - 09194806903

SEE YOU ALL THERE!!!

Sunday, July 20, 2008

En Deiy Ahr Fuhlartz!!!

Flirts are really disgusting esp. when they're DJs.

Don't get me wrong, I have nothing against them. I dreamt of becoming a DJ before and, well...

Can't really blame 'em when they have a cute chef making their food for them. Dang, Instant desert. Hahaha

I love you, Chef Rob

Saturday, July 19, 2008

May na-realize ako ngayong araw...

Patience is a virtue?

HINDE.

Na-realize ko na:

1. Bagay pala ang combination ng yellow at blue gaya ng sidewalks, waiting shades at uniform ng pulis sa Bacoor. Parang pang-cheering squad.

2. Magkamukha pala si Strike Revilla at si Jackie Chan.

3. Wala na.

Friday, July 18, 2008

Nawala, nagbabalik?

Kahindik-hindik, kagila-gilalas at 'di kapani-paniwala.

Pambihira ang araw na ito. Nag-50 to 70% accurate ang ESP ko ngayong araw. Buenas. Nakita ko na ulit si Kawaii Boy *sinasabi with twinkly-eyes* kahit na sa malayo lang. Hindi ko alam pero di-maipaliwanag na sinadyang-aksidente ang lahat.

Ganito yan: sabi ng utak ko habang nanonood ng Eat Bulaga, [napatingin ako sa isang numero, 30, sa isa sa mga placards na hawak ng audience] 'yan ang makukuhang na number habang bumubunot ang host ng number ng mapipiling studio contestant. Tugma ang unang numero [na 3, dahil 37 ang nabunot] sa nakita kong number. Sunod, tanungan na. Nakita ang isa sa mga contestant, 'yung tibo, nasabi kong 'yan ang mananalo. Tinapos ko ang portion ng show. Tama. Di man naka-jackpot, pero sya ang nanalo. But then again, pwedeng coinky lang 'yun. Hahahaha. Meron na akong bagong career. LOL. Sabi sa 'kin ng utak ko ganitong oras ka umalis ng bahay, 2:15, at 'yun ang ginawa ko.  As usual, tulog mode ako sa byahe hanggang makarating sa may NCST. Lumiko na ang jeep pakaliwa at bumagal sa may bandang babaan ng Waltermart dahil may bumaba. Parang may nagsabi sa akin na lumingon sa may AMA.

Jahraaaan! *sound effects*

Isang pamilyar na nilalang ang nakita ko. Pamilyar ang bihis, pamilyar ang tindig. Di ko masyado nakita ang mukha nya dahil naka-tagilid sya [at medyo malayo ako dahil nasa jeep ako, isang kalye ang layo namin sa isa't isa] pero alam kong di ako niloloko ng mga mata ko. Sya yun. Makakalimutan ko ba ang bawat anggulo ng mukhang 'yon? Tama si Issah, mahaba na nga ang buhok nya. Halos hanggang balikat na pero ganun pa rin, delicate ang pagka-kulot at mejo blonde.

Naramdaman ko: SHOCK *na may kasamang wide smile*

Nakausap ko ulit si Issah, ngayon-ngayon lang, ganun pa nga rin daw itsura nya pero nag-mature. Hehe, di na sya siguro mukhang 12 years old baka mukha na syang 13. Hahaha. Pero seryoso, kaya ko nga sya tinawag na Kawaii Boy kasi cute talaga sya. Haaay...

Napaisip ako. Hindi na ako napakali; kailangan kong makauwi agad para mai-blog ang bagay na 'to. Kailangan kong kumain ng ice cream para pampakalma. Kailangan kong makadaan ulit dun sa may AMA baka makita ko ulit sya. At kung makita ko sya, bababa ako ng jeep para makausap sya. Seryoso. Kaya nga hindi ako agad nagbayad kasi kung nakita ko sya, hanggang Walter lang ang babayaran ko. Naubos ko tuloy ang ice cream ko nang mas mabilis sa karaniwang bilis ko sa pagkain ng ice cream. Woooh. Makapigil-hininga. Well, 'di ko sya nakita pero nabuhayan ako ulit ng pag-asa kasi alam mo ba, nung isang linggo lang eh nakita ulit sya ng kaibigan ko sa SM, bumili ng tent. Potek. AT yung araw na rin yun ata yung pumunta rin ng SM sina Des at Shaira.

Ang nasabi ko na lang: O, pagkakataon, bakit ka ganyan?

Pasintabi, isang patalastas. Nanonood ako ng PDA. Ang palagay ko: di ako mapalagay. Hahaha. I think bading si Bugoy kasi kaya nya "sinisiraan" si Van at Sen sa girls dahil gusto nya sila ma-solo. Kaya sya possessive, yun na yun. Hahaha. Palagay ko lang 'yun. Sorry sa fans nila. Bleh. *sabay tugtog ng theme song: malagkit, dumikit ang tingin sa kanya... This guy's in-love with you, pare...

Balik tayo sa main story ngayong gabi. Ilang beses ko na rin ata naisulat sa mga nakaraang posts na huling beses ko syang nakita ay sembreak, October, last year pa. Bago 'yung "11th Peak" na trip sana namin na hindi natuloy. Pambihira. Ito na naman ang simula, hehe, ng mga magagandang bagay na parating. Hindi pa ito ang huli, at sisiguraduhin kong di matatapos ang sem na ito na hindi kami nagkikita at nakakapagusap. Don't get me wrong, hindi ako umaasa ng more than friendship. Masaya lang ako at mas sasaya pa 'pag nakausap ko na sya ulit.

Ang plano: pag nakausap ko sya bago ang Intro Climb ng applicants ng DLSU-DMS, iimbitahin ko sya bilang guest. Ayos. YEAH!

No'ng isang araw, nagkaron ako ng usapang "intelektwal". Isa sa mga topics na nasagasaan namin ang conspiracy ng mundo at ng uber desire ng tao. Naisip ko ulit siya, kulang pa ba ang desire ko na makita siya para tulungan ako ng universe? Binagabag ako ng ideyang ito hanggang sa nangyari ngayong araw na ito. Pambihira talaga. Ito palang ang simula. Sobrang gusto kitang makita at makausap ulit, kahit ilang bundok at dagat ta-traverse-in ko. Anything for my Kawaii Boy.

Onga pala, may video na pala ang favorite kong song ni Noel Cabangon [second to Kanlungan]. FYI lang: sa kadahilanang di maipaliwanag at di maunawaan, kanta ko 'to para kay Angel Eyes, 'yung huling malas na taong na-link sa akin. Ito 'yung kinakanta ko tent namin sa Pulag habang di makatulog at inaaliw ang sarili. Nata-touch talaga ako sa istorya at sa mensahe ng kantang ito kahit di ko na ito inaawit para sa ibang tao. KUNG MERONG TUTUGTOG NITO PARA SA AKIN KAKANTAHIN KO 'TO. At para hindi masyadong text-heavy ang post na ito, ito 'yung video, panoorin ninyo at sabay-sabay tayong paulit-ulit na maantig at muling umibig, aiyeeeh...


Nag-Iisa, Wala Ka Na

Patalastas ulit, walang kinalaman sa mga sinundang teksto: Magka-tipo pala sa Rex [cute drummer boy] at si Toffer Rei ng Pinoy Idol. Hehehehe

Ayos ba? Haba noh? Hyper, bilog kasi ang buwan. Hahahaha.

Alam mo ba, nangamote ako sa exam kanina? Haha. Programming at program tracing. Ano ba 'yan? 'Di ba maintindihan ng universe na weakness ko yan, hindi ba ako pwedeng mapagbigyan? Last na naman 'toh o. At ito pa, gawin ba akong frozen delight? 'Yung "favorite" na pugeng prof sa Consti ng friends ko ang proctor namin at pinalipat ba naman ako sa tapat ng aircon. Hindi ko na nga alam 'yung isasagot ko sa test eh, gininaw pa ako. 'Langya. Lalo ko tuloy gustong kumain ng ice cream. Ironic pero totoo.

Uso takbuhan ngayon ano? Nung kelan lang, may One Run, One Lasalle. Tapos magkakaron din nngayong buwan ng Milo Run, Nike Fun Run at The North Face Trail Run. Ayos. Gusto ko mang sumali kaya lang, may bayad, hehe. Next time na lang.

Kailan lang, nawawalan na naman ako ng ganang mamuhay pero ngayon nae-excite na ulit ako. Kawaii Boy, Kuya a.k.a. Shiawase-niichan, BMC, Akyatan blues, Palad seminar and panginoong Lourd ULIT, yeah, kung anu-anong kapana-panabik na mga kaganapan ngayong semestre. Pambihira. Oye, beybeh. Aiyeeeh, at eto pa: ipapalabas ata as a GMA Special Documentary 'yung Denali Diaries/ Alaskan Adventure ni Garduch-sama. Waaaah. Di na ako makapaghintay. Gusto ko rin tuloy mag-international peak pero di ko ma-imagine na kakayanin ko 'yung ganun kalamig.

Paningit: Ang kulit ng Moymoy Palaboy. Hahahaha.

Di ko pa rin tapos ang projects ko. Walang gana. Hahahaha. Minsan excuse natin pag may gusto tayong gawin na hindi natin magawa ay kakulangan sa motivation. Pero ang totoo... Hindi ko rin alam ang totoo. Naalala ko lang 'yung sinabi ni Sir Lourd nung nag-seminar sya last year, force yourself. Wala lang. Hindi ko na maalala 'yung buo nyang sinabi pero may video ako nun, hanapin nyo na lang. Hindi ako magbibigay ng palagay ko o kaya naman ng kahit anong wisdom o pangaral. Hahahaha. Naalala ko lang talaga.

Kung mababasa mo lang sana ito, malalaman mong na-miss kita ng sobra kaya gustung-gusto na kita makita. Miss na kita, pa-kiss...

Sino si Kawaii Boy? Itanong n'yo sa akin.

May ipo-post sana ako tungkol sa tree planting namin with HSBC at birthday ni Paul the same day pero tinatamad na akong tapusin ang post na 'yon kaya di ko na ipa-publish. Kwentuhan na lang tayo kung gusto mo.

Aww, gutom na ako at gusto ko nang maligo. May lakad pa nga pala ako bukas at in fairness, masakit na ang mata ko.

O, sya... Bukas na lang ulit!!! 

PS: Mukha na namang paintbrush ang dulo ng buhok ko. Hahaha Buh-bye!

Wednesday, July 16, 2008

Tuesday, July 15, 2008

Butterfly Love









MATING SEASON NA BA?

Blue butterflies at Mts.Palay-palay Mataas na Gulod National Park
July 12, 2008 when we went to guide HSBC peopz with their tree planting.

Thank you, Anna, for lending me your camera. :-D

Saturday, July 12, 2008

Pambihira.

More pain, more fun.

Hahahaha. Di ako masokista at ayokong subukan. Gusto ko lang maging catchy ang paunang pangungusap. Pero totoo, I may pains at fun nga ako ngayong araw;

Una, ang pambihirang tree planting kasama ang mga HSBC-peopz.  Actually guides kami pero naki-tanim na rin ako. Ang saya eh. Napakanta ako: Magtanim ay di biro... Hahahaha. Seryoso. Ang sakit sa likod, isabay mo pa yung matatalim na tuyong talahib at 'yung damong matulis. Hiwa-hiwa ang balat ko sa binti at palad ko. Pambihira talaga. Sana hindi na lang nagbago ang isip ko at isinuot ko na lang ang paborito kong knee-high socks. Potek. Vudtreefz pa yung shorts na suot ko: ang kati at parang may mali sa tahi. Mas maluwag sa harap kesa sa likod, mukha tuloy akong lalaking malaki ang "package". Ayos naman ang byahe. comfy yung ginamit na service papuntang Mt. Palay-Palay. Ang cool nung mga nakilala kong HSBC people na si Sir Happy at Sir George, ka-chikahan ko. May nakasabay din kaming cool people, grupo ni Sir Jessie Sarmiento [di ko masyado maalala yung name] ng UEM [University of the East Mountaineers at ibig sabihin nun]. Nakakatuwa, kilala nya si Sir Dok. Ka-chikahan ko sa trail syempre si Issah...

Wednesday, July 9, 2008

Usap tayo.

Kamusta ako? Ito:


ASP.net + VB = SISIW! Siyeeeht! Mistulang sisiw ako. Slowpoke. Weakling. First blood, nosebleed. Hahahaha. Sana lang bumagsak mula sa langit ang hinihingi kong himala. Kung kailangan kong sisirin ang dagat para makita ang Cave of Missing Seafood Secrets, baka sakaling may masumpungan akong kasagutan, well... STIR! Hahahaha. Wala lang talaga akong maisip. Wednesday night is Garduch-sama night at nagpapalipas lang ako ng oras habang pinipilit sagutan ang assignment ko. 

Sige, kita tayo sa mata. Pag nagkita tayo sa daan, babatiin kita. Ciao!!!

Tuesday, July 8, 2008

Ang itlog. Bow.

 Bigla ko lang naalala 'yung nabasa kong kwento galing du'n sa librong sinulat ni Francis Kong [na katukayo ng kaibigan kong si Kong, ang nawawalang kapatid ni Vanness Wu] dun sa libro n'yang The Early Bird Gets the Worm But the Second Mouse Gets the Cheese [salamat kay Charles dahil pinahiram n'ya ako nito] tungkol sa carrot, itlog at kape. Parang gan'to 'yun: nilagay ang tatlong ito sa tatlong magkakaibang kaldero na may kumukulong tubig. Paglipas ng ilang minuto, ang carrot lumambot at humina, na metaphor para sa isang taong humihina at rumurupok 'pag nasubok, ang itlog ay naging nilagang itlog na tumigas ang loob, di gaya nung hilaw pa ito na manipis na shell lamang ang prumo-protekta, para naman sa mga taong naging matigas ang loob na parang bato... basta parang ganun, at ang kape ay humalo sa tubig at binago ang tubig, nilagyan ng kulay at binigyan ng lasa.  Ang tanong: alin ka sa tatlo, 'yung carrot, 'yung itlog o 'yung kape?

Napaisip ako.

Sa mga nangyari sa nakaraang dalawampu't dalawang taon ng buhay ko, ang nangyari sa akin: naging itlog ako. Hindi ko na ie-elaborate, ie-expound, o bibigyang ng kung ano pa mang paliwanag ang tungkol dito. Sabihin na lang natin na kilala ko ang sarili ko, at sa dami nang pinagbago, ito ang naging epekto sa akin ng mundo, isa na ako ngayong itlog na estranghero. Hahahaha. Seryoso.

----------^@___@^----------

 Malamig?

Magkumot ka.

 Matigas?
Pitpitin mo para lumambot.

 Madilim?
Magbukas ka ng ilaw.

 Tahimik?
 Magsimula ka ng ingay.

Nawawala?
Baka ayaw magpahanap.

 Malayo?
 'Wag nang piliting abutin.

 Gets mo ba?

 Kung hinde, 'wag mo nang pilitin. Itulog mo na lang yan.



Friday, July 4, 2008

Haburdei Kasaklapan 101

And it's all because of Mr. Big Bad Weather again.

Somehow, I expected it. According to the news last night, a storm named Gener is stirring somewhere down south. I knew it would come to this and it's annoying. I didn't really expect much about this day but I'm excited by the climb though; first time to be at the tail. I am usually at the head. And it's the my first All Women's Climb, my first birthday climb, and first time at Mt. Daguldol. Ah, nevermind. It's postponed, anyway, to a later date. Hopefully, the weather will be fine then.

The first greeting I got was from Kong, who greeted me 'belated' a week before the actual week of my birthday. What is unbelievable is that he remembered. I remember inviting him last year when I had a party but didn't make it. He just called to greet. Aiyeeeh! He's not just my former bandmate but really a friend. Not just because he didn't forget to remember but.. Basta.  Love you, Kong!  

To everyone who greeted me days before, and yesterday, and today and those who are yet to greet me: Thank you! Aylahvet!!!

To those who keep asking how old I am: I just turned 22 today. Thank you. Hehehe bleh!

I'll just go out and eat somewhere.

Happy birthday to me!

PS: Just thought I'd post a spur-of-the-moment entry. Buh-bye!!!

Open if you dare

Thursday, July 3, 2008

Bakit espesyal ang jellyace?

Dahil matamis ang jellyace. Matamis ito sa panlasa. Nagdudulot ito ng kakaibang saya dahil matamis ang iniiwan nitong alaala. Mga alaalang pinagsaluhan ng dalawang taong mahilig sa jellyace. Jellyace na matamis at malagkit, dumidikit gaya ng mga alaalang 'di mawala kahit ang kabiyak ng alaala ay naglaho na. Ikaw. Ako. Tayong dalawa. Isang magandang alaala.

Gaya ng dati, ipagbubukas ka at susubuan pa kita ng jellyace. Kung magkikita lang ulit tayo, sana. Akala ko naisilid na kita sa isang kahon na ibinaon ko sa malalim at madilim na parte ng isip ko. Pero nagpupumiglas ka, pilit kumakawala. Heto't nagpaparamdam ka na naman.

Sabi ng isang babaeng itatago ko sa pangalang Issah, nakita ka daw nya dun sa tambayan nyo nung unang araw ng pasukan at nagkatinginan pa kayo. [Ang pagbabalik ni Kawaii Boy *sabay tutunog ang mga trumpeta] Mahaba na daw ang buhok mo. Bakit nung hinahanap kita, wala man lang bakas na naiwan. Kung baga, nagkakilala tayo pero pangalan mo lang ang nalaman ko tungkol sa'yo. Nakakainis ka. Ginugulo mo na naman ang buhay ko. Tumigil na ako sa paghahanap sa'yo pero dahil nakakita ako ng bagong liwanag, bagong pag-asa. Ito ako, magbabakasakali na naman na makita ka.

Tangina, buhay ka pa pala! 'Lam mo bang sobrang miss na kita?

Jellyace. Pico de Loro. Ang maganda mong buhok. Ang malabot mong kamay.

Haaayy, buhay. Hahahaha

PS: may isusulat ako tungkol kay Shiawase pero bukas na lang.
Namnamin muna natin ang post na ito. SUGOI!!!

Tuesday, July 1, 2008

the never-fading rain



Baptised with a perfect name
The doubting one by heart
Alone without himself
 
War between him and the day
Need someone to blame
In the end, little he can do alone
 
You believe but what you see
You receive but what you give
 
Caress the one, the Never-Fading
Rain in your heart - the tears of snow-white sorrow
Caress the one, the hiding amaranth
In a land of the daybreak

Apart from the wandering pack
In this brief flight of time we reach
For the ones, whoever dare

You believe but what you see
You receive but what you give

Caress the one, the Never-Fading
Rain in your heart - the tears of snow-white sorrow
Caress the one, the hiding amaranth
In a land of the daybreak

Reaching, searching for something untouched
Hearing voices of the Never-Fading calling

Caress the one, the Never-Fading
Rain in your heart - the tears of snow-white sorrow
Caress the one, the hiding amaranth
In a land of the daybreak

[[ Nightwish
The official "Amaranth" music video.
Directed by Antti Jokinen. ]]