Wednesday, March 5, 2008

Gunita

Isang tanong, isang sagot: Peak season ba ngayon ng mga lamok? At home sila sa dito ngayon. Eat all you can. Fotcha. Kung laman lang kinakain nila baka lasuk-lasok na ang laman ko ngayon. Gusto ko sila hulihin ng mano-mano. Hahaha. Gaya ng ginagawa ko pag naliligo ako. Pabubulain ko yung kamay ko tapos saka ko sila huhulihin ng kamay ko. Hahaha. Ayos. Tepok naman. Langya talaga.

Last day na ulit bukas ng training. Buti naman. Sakit na ng muscles ko lalo na kanina. Parang mapupunit, nag-aya pa sila ng sprint. Buti sana kung ganun yung kundisyon ko gaya ng nung first at second day na baka uber hyper pa ako. Hehe. Anyway, para din naman samin yun at buti nga wala nang time limit at twelve rounds na lang. Buti naman talaga. Yay, ilang tulog na lang, Pulag, here I come!

Kung nakita nyo lang ang nakita ko kanina, baka nawindang kayo. Hahaha. Medyo matagal ko rin di nakita si Kuya JP pero madalas ko syang ka-chat sa YM. Pambihira. Sobrang daldal nya gaya ng una ko syang nakilala pero ang mas malupit? Nakita ko syang nagsayaw ng Souljah Boy. Yung may "wammy" sa lyrics. Push your luck! Hahaha. Dinemo nya talaga at performance level. Hahaha. Ayos. 

Yay! Panahon na para balikan ang Makiling at oras na rin para makita na ang pinakaaasam naming Mudspring. Hahaha. Ayos. Tapos Flat Rocks ulit tapos kung susuwertihin baka makabisita sa Wildlife Rescue Center. Waaah! Excited na ako ulit. Ahoy. Tapos pagkatapos nun Talamitam naman. Hahaha. Sana lang may pera pa ako nun. Kamown.

Sayang, tumawag na yung mga in-apply-an kong call center kaya lang kailangan mag-Summer para "matapos" na. One last try tapos pag hindi pa rin, bahala na. Langya. Ganito nila ako kamahal, ayaw nila akong paalisin. Hahaha. LOL.

Suweeto. Nakaka... Uhh.. Gulat. Muntik na ako i-kiss ng isang tao kanina. Sweeter than usual nga sya lately. Hahaha. Swerte nya dahil hindi ako mahilig mag-take advantage sa mga ganyang sitwasyon kundi baka hindi lang kissu makuha nya... Pati hugs. Hahaha. Di ko sasabihin kung sino sya. Hula-hula na lang.

Ang saklap. Di ako makakasama sa Yearend Workshop ng HF. Last na pa naman ito. Hay, kapalaran. Bakit naman kasi natapat pa sa petsa ng akyatan. Ang saklap talaga. Sana may mangyaring milagro at mabasa ito ng mga kinauukulan at maawa sila sa akin tapos i-move nila yung date ng mas maaga o kaya later para makasama ako. WAAAH~ PARANG AWA NYO NA. LAST NA TO DAHIL MALAMANG NYAN WALA NA AKO NEXT SEM Unless... Isasama nyo pa rin ako sa Midyear Workshop next year. Hehehe.

Okay kailangan na ulit mag-impake. Sa wakas, tuluy na tuloy na ang Induction Climb na two months in the making. Miss ko na si Kuya! Shiawase-niichaaan! Hahaha. Well, wala pa rin akong pera para dun at kaya rin baka di na ako makasama sa Galera trips ng aking DotA Boys kasi wala talaga akong pagkukunan ng funding maliban na lang kung may mag-sponsor sa akin. Hahaha. Ang tanging bagay na kaya ko lang i-sacrifice ngayon na mejo may halaga pa ay ang cellphone ko at para sa Pulag ko lang sya kayang gawin. Di yun dahil sa mas mahal ko ang bundok kaysa sa mga kaibigan ko pero mas madali kasing makapunta ng Puerto Galera kahit mag-isa kaysa umakyat ng isang major climb na bundok nang mag-isa. Maiintindihan naman nila ako at pag hindi ako nakasama ngayon baka di na ako makaakyat dun kahit kailan o kaya matagalan pa. Sobrang gusto ko talagang umakyat, ika nga Passion ko na sya, kaya mas pipipiliin ko sya kaysa sa Yearend Workshop at Beach trips pero lahat sila ay gusto ko. Promise. 

Kaya sana talaga, mabago pa ang date ng Yearend. Onegaishimaaaasu!!

Yeah, summer. Hopefully, my last Summer in La Salle. Sana makaipon ako para madaming climbing trips at beach trips at camping trips, nature trip, food trip, trip to Jerusalem at kung anu-ano pang trips, wag lang badtrip ang ma-enjoy ko. Sana rin, kung matapos na rin ako sa wakas, ay makahiling ng bagong mga techies gaya ng cellphone at iPod? Hehehe. malay nyo naman?! A college degree na 5 and a half years in the making, hindi ba worthy yun ng reward? Dun na lang sa effort ng pananatiling buhay at matino ang pag-iisip, di ba? Ang hirap kaya nun. Hahaha.

Hinahanap-hanap ko pa rin sya. Parang dahan-dahang nawawala yung mukha nya sa isip ko pero di pa rin ako bumibitaw lalo na ngayong madalas ko makita yung mga tropa nya. Nabibigyan ako ng kahit konting pag-asa kahit minsan naiisip kong malabo na. Nabibigyan ako ng rason para kumanta ng mga awiting nagpapahayag ng lungkot, pangungulila, paghihintay, paghahanap at pag-asa dahil sa kanya. Kelan nga kaya kami ulti magkikita. Wala naman sa akin kung gaano katagal ako kailangang maghintay dahil gagawin ko yun hanggang ganito ang nararamdaman ko para sa kanya pero minsan naghahanap ako ng tangible na symbol of hope na magkikita kamit ulit. Haaay... *sabay kanta ng Maghihintay Ako na theme song ng Atlantika*

Tulong! Ido-document ko ang Pulag climb namin. Gusto ko sana Feature form. Hehe kaya lang di talaga ako marunong ng ganung estilo sa pagsusulat. Di bale, pag-aaralan ko rin yan pero mas maganda kung may tulong, di ba? Hehehe.

Onga pala, magkakaron na ulit ako ng banda.

Okay, just a few microseconds ago, 2:26am na ngayon parang nag-shake ang computer table. Was it just me or lumindol talaga. Mejo natakot ako. Hehehe. Kala ko may kung anung entity na na gumagalaw sa ilalim ng PC. Hahaha. Que horror! Hehehe. Madalas kasi pag nakakaramdam ako ng lindol, nahihilo ako. Pag nangyayari yun, akala ko lagi gutom lang ako kaya ako nahihilo yun pala umuuga na ang mundo. Hahaha. Ang pinakanakakatakot pa nyan, nung HS ako, nasa chapel kami tapos nun pa lumindol, habang nagdadasala kami. Feeling ragnarok, armageddon, end of the world na. Hahaha. Mailigtas sana tayong lahat.

Maikwento ko lang, ang weird ng panaginip ko kaninang umaga. Sobra sigurong kale-layout pati sa panaginip nagle-layout ako tapos yung panaginip ko pa ay may kakaibang storyline. Weird. Basta. Di ko ma-explain kasi di ko masyadong maalala pero ang alam ko lang weird talaga sya. Ayos na naman kasi tapos na yung volume 4 ng broadsheet for this year tapos isa na lang tapos malapit na rin matapos ang magazine. Hay, buti naman. Hehehe. I wanted to stay longer [chos!] pero ganun talaga. Last project ko na to sa pub at sobrang thankful ako at nabigyan ako ng gantong pagkakataon sa huling taon ko sa kolehiyo kahit di ako makakasabay sa marcha ngayong March. Di bale, sasabay ako next year tapos magma-marcha ako ng bongang-bonga. Hahahaha.

Okay, puyat na naman ako at malamang-lamang mahaba-haba ang tulog ko kasi mejo masakit pa ang katawan ko tapos takbuhan ulit mamaya. One last time. Yey!

Bago ko kayo tulugan, mag-iiwan lang ako ng mensahe para sa lahat: Lahat kayo, pati yung mga etchoserang frogs kong mga classmate ay nagkaron ng malaking bahagi sa buhay ko kaya ako ganito ngayon at bakit nandito pa rin ako. Gusto ko lang malaman nyo na hindi ko kayo makakalimutan lalo na yung mga nagpasama ng loob ko [magtago na kayo dahil babalikan ko kayo, mga taran--tula. ulul!] Dadalin ko lahat ng naitulong at naituro nyo sa akin [lalo na ang mga kasalanan nyo sa 'kin] saan man ako magpunta. Babaunin ko ang mga alaala sa pagtulog ko ngayong gabi. Wala lang. Gusto ko lang mag-drama. Mahal ko kayo lalo na yung mga friends ko sa BCS110307, Genshiken, Heraldo Filipino, DLSU-DMS pati sa ibang organisasyon peti yung mga friends kong karaniwang tao. Hahaha lalo na yung mga kumalimot sa akin at mga kinalimutan ko. Hahaha. Salamat sa lahat, for the good and [mostly] the bad. Salamat sa lahat. Thank you at good night ot good morning kasi umaga na.

YOSH!

Tuesday, March 4, 2008

Monday, March 3, 2008

Somnio. Somnium.

Ipikit ang mga mata
Paliparin ang diwa

Gising magdamag
Wag lang didilat
Di ka mapupuyat
 
Iwanan ang katawan
Kamalayan lang ang kailangan
Tayo'y maglalakbay
Sa hangin sasabay

Lumilipad
Dito sa isang sulok
Nilalamok

Buksan ang isipan
Paghinga'y pigilan
Magpumiglas
Bumitiw, kumalas

Pumikit. Umidlip.
Umaga'y sisilip.
Bumangon, humulagpos
Panaginip ay matatapos.

hari nawa'y makabalik na ako sa pagguhit at pagpinta. patuloy akong gagawa ng mga awit at tula. pero sa ngayon, tulog muna. hehe

p.s. walang nakawan ng tula ah. ang magkamali tigok.

Sunday, March 2, 2008

Kahit Paano...

Tapos na ang gulo.










Now, I need a haircut.










Weee~ Gupit-gupit-gupit!









Mga problema mo'y mawawaglit.









Siyeeeht. Ang lufet.

Chibi-fied.




Had Norman draw this for me on-the spot and I colored it right away. Hehehehe.

Honto ni arigato, Norms!

Saturday, March 1, 2008

A Life of Drive and Purpose

Got this message a few nights ago, while I was staring at my ceiling deep in thought:

So much for sanity, happiness and even peace of mind. You don't deserve it, at least, not while you're still with me. You don't always have a choice but be with me. I'm the only one you have have. Your dreams and fantasies can only distract you for a while and lighten the blows but cannot save you. I will never leave you. I'll be with you before you go to sleep and whenever you wake up. I am the only one who will stay with you when all else is gone. I am wherever you are. You cannot escape.
Yours forever,
Reality



One disappointment after the other. They just keep on coming. I've cried all I could and ran out of it. My body has become numb but my brain is still wrecking with the blows. No more turf that I could claim as my own. I've been stripped of pride, left with so little dignity, and confidence died out, killed the very liitle faith I have left, long time ago. I'm as good as dead. Where do you go, what happens when you've exceeded the quota of defeat? 

I've been asking, "What do you want me to do? Ano bang gusto mong gawin ko?" Pointing the question to nobody in particular. I got no answers yet. No signs, no distant voices calling, no nothing. We always say that when [our] plans fail, there's always a bigger plan, bigger things coming for us. But, look, I don't see any of it. I've fallen, I've been lost, I've been out of direction, and I can't see any light. I don't hear answers. We speak of purposes without knowing them exactly, just believing our purposes exist. I could've choses a different path, I could be somewhere else right now, doing something else but I still chose to be here because I believed I was called here for something. Five years in school, twenty-one years alive, I've done so much, so much happened to me, changed me through the years, kept me up a few hundred months, kept me alive for a few thousand days but still doesn't give light to that shadow that clouds our existence. Purpose. Fate. Destiny. Doom? You choose what you want to call it.

We say we write our own destiny, but the end ofthe day, we realize that we only follow where our lives take us. Parang computer simulation ang buhay, governed by a thousand Nested If-Else Statements, whatever we do, whatever choice we make, meron nang default or meron nang simulated na results. IF we do this THEN this happens, ELSE IF if ganito naman THEN ito ang mangyayari, ELSE wala kang choice, this is where you end up END-ing the loop. Am I making sense? Bahala ka nang umintindi.

I said I wanted to stay, but didn't imagine it to be like this. If it was just me, I don't really mind but I still have others to think about, and what they think to think about. It wouldn't really make any difference to think about what they think but, well, yeah, I have to think of them too. Now, who truly has a choice? No one. I have a lot of time but do not own it. I do not really have anything at hand. How do  break the news? Break it down. I just wish I could keep my calm. Sana sapat na ang naisip kong paraan. Heavens, help me.

Maybe, I've reached turning point. Things will [should] start to change here. Sabi nga sa quote that I've read, Graduation is just a concept. Everyday is a graduation. Sabi nga ng isang kaibigan, we grow with every difficulty, with every difficult people we meet on the way. If this is a way of growth, siguro full grown na ako. We just get to, keep on moving on. Paano? Ganito. Yun na yun. Sabi ng Spice Girls, caught in a craze, it's just a phase. Sabi ni Yoh Asakura, maaayos din ang lahat. Gusto mo ng gulo? Pasukin mo ang isip ko. Hahaha, oo, Bamboo, nakinig ako sa'yo. Sabi ni JP-sama, don't think you have it bad when others have it worse. Sabi ni Shiawase-niichan, it's all about the dash. Sabi ko naman, sige, ako'y makikinig na lang. Kamown.

Let your mind wander. Isip bitaw. Sa sobrang gulo, isip ko'y mistulang kaluluwang ligaw. Malay nyo naman, may isa ngang malaking role ako na dapat gampanan kaya nandito pa rin ako. Malay nyo. Malay ko. Malay natin. Malaysia. LOL. Bading. Naalala ko tuloy yung kinanta ng DLSU-D Choral na Sino ang Bading. Wala lang.

Sige, isa pa. One last time, pag hindi talaga umobra. Hindi ko na itutuloy. Tatapusin ko na to. I will move on with or without graduation. Bahala na. Madami namang nagtatagumpay kahit di graduate eh. Tapang noh? Bluff lang yan. Bahala na talaga. Come what may and then we just move on.

Astrally disturbed ako ngayon pero kahit anong mangyayari, tutuloy ako sa Pulag. Sasama ako. Bagyo lang ang pwedeng pumigil sa akin. Takbuhan na ulit bukas. 

Bukas na ang Manila Ocean Park. Tara, samahan nyo ako! Dali.

O, ayos ba? Wala naman nalinawan. Walang tanung na nasagot sa entry na to. Kelangan ko lang ng outlet. Shine-share ko lang ang gulo ko para pare-pareho tayong maguluhan. Gulong taglish. Ayos. Balitaan na lang tayo kayo kung anung mangyayari. Sa akin, sa buhay ko, sa isip kong gulung-gulo at sa kugn anu-anong ano at kuwan. Hahahaha. Paalam.

In pieces

Wake me up when it's over

After the ending

When the damage has all been done

I don't wanna be somewhere

Where you can watch me 

As I bleed

Just leave me here



In pieces