Monday, November 12, 2007

Happy and Bouncy?

Perfection! Hahaha. Nakaka-distract ang jam-packed na schedule. Buti naman. Hindi ka maabot ng mga bagay-bagay na nakapagpapabagabag. Hahaha. Yosh! Nakaka-survive naman sa isang oras na break. Ayos, neh? Hardcore eh. Sabi nga, you ain't hardcore unless you live hardcore. Sana lang hinay-hinay sa assignment, sirs at ma'ams. Woooh! Salamat sa taong pumayag na mag-freeload ako sa assignment. Yaan mo, babawi ako sa'yo! Apir!

Training, training. Ayos. Sarap ng tulog ko ngayon. Hahaha, masakit nga lang tuhod ko. Hahaha. Atleast, nabubuhayan na naman ako ng dugo. Ilang tulog na lang, akyatan na naman. Ano? Takbo pa! Hehehe, energy! Push. Nyahaha! Tapos... Tapos... Tapos.. Hahaha! Awoooh! Matutuloy na ang Batulao climb. Pagkatapos ng 3rd Climb. Weeeh! Pag-ibig! Hahaha, I love mountains! I love mountaineering! My love is a mountaineer? Nyahaha! Chika minute!

Para maiba lang, mag-aaral akong mag-growl at mag-scream pero! Pero! Pero! Wala akong balak maging Emo kaya nama'y Deathrocker. Hahaha. Angsty lang sya kaya gusto kong i-try. Astigness! Yeah! 'Nga pala, nakaka-disappoint 'yung SNBO kagabi. Maikli lang pala yung part na may hum. Ay, bitin.

Weeeh! Nakakita na ba kayo ng beach sa ibaba ng bundok? Ako hindi pa. Napag-usapan naman kanina, at para ngang nakakaengganyo. Mt. Daguldol daw. Weeeh! Saya no'n lalo na sa mga tulad kong sabik sa tubig. Hahaha.

Nakakatuwa, ang mga friends ko ay nage-alienspeak. Hahaha. Mga nagde-delusyon ng sarili nilang pseudo-science. Hahaha. Mga creative na tao talaga! Awoooh! Mami-miss ko kayo pag nawala na ako. Drama. Hehehe. Milubshyu! Kissu! Hahaha!

Kailangan na magparamadam ang kaluluwang ligaw. *chants in a ghastly voice* Andyan na 'ko. Layout mode na naman?

Feeling vampire ako these past few days. Weird. Nagbabalik na ang tunay kong pagkatao. Hahaha. Baka nga oras na ibalik si Lieve LeStat Levesque. Sisimulan natin ang pagbabago sa magpapabutas ulit ng tainga. Hehehe. Ilang taon na rin akong walang hikaw. Hahaha, na-trauma ako eh pero lalabanan ko yan alang-alang sa pagbabago. Walang sense, I know.

Nakakakaba naman. Sana sadyang may problema lang ang server ng Friendster dahil nawala lahat ng friends ko kanina. Naku, kawawa naman ako pag talagang nawala yun. Ahuhu.. Nakakalungkot yun, wag naman sana. @___@

'Di man ako makasama sa UP Gakuensai, hehehe... Wala lang. Hehehe, aakyat naman ako ng bundok. Wahaha!

 Happy akyat sa 'ting lahat, mga Chopsuey!

Saturday, November 10, 2007

10 Peaks Post-Climb Party




DLSU-DasmariƱas Mountaineering Society
10 Peaks for 10 Years Post-Climb Party
@ Cantimbuhan Residence
November 10, 2007

Photos from Issah's cam

~ No captions, sorry. Ang dami ko nang nai-type sa description at captions pero dahil bumibitaw na naman ang PLDT DSL... Nawala ang lahat. Check nyo na lang pictures. Enjoy!

Samstag... Kyuuu!

Nakakita ako ng shooting star kanina or technically kagabi kasi umaga na. Ang saya, first time eh. Hehehe. Habang masaya kaming nagpa-party sa bahay ni Sir Royce, napatingin ako sa langit. May munting liwanag na may mahabang buntot ang tumawid sa langit. Akala ko jetplane kaya lang maliwanag tapos mejo mabilis lang. What a blessed night. Sinadya ng langit na palingunin ako sa direction nung shooting star, para naman sumaya lalo ang gabi at maibsan ang sama ng loob na dinulot at patuloy pang dinudulot sa akin ng aba kong buhay... ETCHOS! Hahaha.

Ayos, wala ako sa mood mag-English. Nyahaha!

The 10 Peaks Post Climb Party was a blast! Hehehe. Ang saya! Well, kinulang sa ulam pero masaya pa rin. Tamang-tama lang sa foodtrip. Nakita ko pa si Rex na matagal ko nang di napagkikita. Ayun, cuteness pa rin. Yosh! Present ang ilan sa mga Chopsuey: Ako, Issah and her friend, Joycen, MJ, Ruben, Short Lest [look alike ni Legolas at dating Long Lest] and Shorter Lest at Erick at pati na rin ang mga crushes ko sa DMS, yes! Codename: Shiawase, si Sir Hotness, at si Kuya Crush na mukhang character sa LOTR [mukhang Elven pero hindi si Legolas ah]. Yay, and we got pictures! Hehehe. Sana i-post agad ni Issah pag-uwi nya. Astig, it's been years since I last went to that place. Hehehe, drummer pa namin noon si Rex. Medyo may konting pagbabago pero maganda pa rin. Wala lang, ganda ng vibes ng bahay nila tapos nandoon pa rin yung mga statues and antiques na medyo weird. Ang ganda din ng pet dog nila, Golden Retriever, kamukha ni Pulgoso. Hahaha. As for the pudtripz.. Hehehe, ang dami! Ang dami-dami! Ang dami talaga... Ang daming kanin! Hahaha, short sa ulam. Birthday din ni Ma'am Jo, kaya lang tahimik sya kanina. Belated happy birthday, Ma'am Joan! Yeah! Swerte, napanalunan nya yung shirt kanina. Aw, gusto ko pa naman nun. hehehe. Nanalo naman ako ng necklace from Palawan. Sayang yung maagang umuwi at mas lalong sayang yung mga hindi pumunta. You missed a lot of fun. Hehe, syempre laughtrip sa mga AVPs, kwentuhan ng climbing memories, took pictures, got advice from the more experienced senior mountaineers, nakaw-tingin sa mga super prospects, foodtrip, then I had some wine, took more pictures. Ang saya maging part ng DMS. Yeah! Next week, training na ulit. Yeah! Buti naman, na-miss ko ang sakit ng katawan eh. Nyehehe! Tapos next, next week, Pre-climb na. Then November 24, akyatan na ulit! Awoooh! May balik na rin kaming ituloy ang Batulao climb, yeah! Buti naman! Sino gusto sumama? Magdala kayo ng sarili nyong tent ah! Hahaha adik na ko... Parang drugs ang pamumundok. Woooh! Natural high! Balita ko, sa Mt. Cristobal ata 3rd Climb. May mga bago kaming makakasama pero may ilan ding mawawala. Sayang naman. Pero okay pa rin, kami na lang ang aakyat para sa inyo! Wooh! So yun, kasabay kong umuwi si Dahdah, na parang laging lasing. Ang kulit kausap, hahaha. Ayos! Nag-foodtrip muna kami ng kwek-kwek. Ayos! Tama si Kuya, di lang organisasyon, di lang tropa ang DMS, konti na lang tunay na pamilya na kami! Ayos talaga! I love DMS! Woooh! Congratulations sa ating lahat! More years to come! More mountains to climb! Sa Team Chopsuey, konti na lang Induction na! Woooh!

Emo ako last night pero naka-recover na temporarily. Hahaha!

Ayoko muna isipin ang mga problema. Gaya ng palagi ko na lang sinasabi, I'm lost. And let me enjoy being lost for now. At saka Saturday, Sunday na ngayon. Mamaya, manonood ako ng SNBO. Ipapalabas yung Forever After na concert ni Regine. Di ako fan pero paborito ko yung kinanta nya para sa Atlantica. Yung hum nya dun na parang sirena. Ire-record ko yun tapos ag-aaralan ko yun tapos kakantahin ko rin. Hahaha! Para kulang na lang buntot, sirena na talaga. Nyahaha!

Dahil sa mga di maiiwasang pangyayari, di ako nakanood ng Pops Orchestra nung Friday. Oo, tama yan: Pops hindi lang Pop. Mahilig pa naman ako sa orchestral music. t** naman!

Oops, gagawa nga pala ako ng assignment para di ko na kailangang makipag-agawan sa PC sa kapatid ko mamaya. Hehehe! Ohayou!

To dream anything that you want to dream. That's the beauty of the human mind. To do anything that you want to do. That is the strength of the human will. To trust yourself to test your limits. That is the courage to succeed. ~Bernard Edmonds

Friday, November 9, 2007

Ritter Session




Thank heavens for Alfred Ritter and bringing Ritter Sport into the world.

I will miss you Ritter Sport Mini, till we meet again!

Check out www.ritter-sport.de

I was supposed to brag about this but I heard that it's already sold locally. Hopefully I can buy some and taste the luscious chocolate again. Mouth sore couldn't stop me from eating them up but unfortunately, I can't finish everything in one sitting, too much sweetness... Nakakaumay. Hahaha. Special appearance: Hershey's Kissables

Sie ist nach dem Samstag gestorben

Party.

Eat to your heart's delight.

Drink and be merry.

Remember the merriment.

And then DIE.

Wednesday, November 7, 2007

tO__ot

Mas masaya talaga ang mag-blog ng Tagalog o kaya'y Taglish; Mas expressive at mas madaling maarok. Hahaha, kamown. Ang mga kadramahan ay nagiging likhang pampanitikan at ang mga kakornihan ay nagiging cool pakinggan.

Kamown, let's do this!

Sa simula pa lang, taliwas na sa itinatakbo ng mundo ang takbo ng utak ko. Three words: Magulo. Magulo. Magulo. Kung kailan kasi akala mo ay malapit ka na sa katapusan ng isang yugto at handa nang magbukas ng bagong kabanata, saka pa nagkakaproblema, saka pa nasa-stuck sa isang pahinang akala mo'y nalampasan mo na.

Wala namang problema noong unang dalawang taon ng pagshi-shift ko. Akala ko smooth-sailing, happy-and-bouncing na 'ko. Akala ko tuluy-tuloy na ang ligaya hanggang March 2008. Pero bakit, why, oh, why, bakit ngayon pa nangyayari ang mga problemang naranasan na sana noong una palang para tapos na, 'di ba? Halos nasa dulo na 'ko ng finish line nang... Gaya sa isang pelikula... Nag-slowmo... Nag-slowmo... Hanggang sa tuluyan nang na-stuck sa isang eksena. Tumigil ang pag-ikot ng camera. Atras ako, abante sila. Iwan ka dyang mag-isa! Ano pa nga ba? t^___^v, talaga, yeah!


Isa pang problema, Science Club Syndrome. Parang highschool lang. Ayokong mag-elaborate dahil may mga taong masasagasaan at syempre, ayaw natin nyan. Sabihin na lang nating ako'y nagugulumihanan kung ako ba'y sadyang nagkukulang o ang mundo'y talagang demanding lamang. Isa sa mga dahilan ng kaguluhang ito: mga beautiful people na naman. Bakit kaya di na lang mamatay silang lahat para tapos ang problema. Hahaha.

Ano ba talaga ang epekto ng paliligo ng gabi? Bakit ba isinisisi ng ilang mga nilalang ang dahan-dahang pagkasira ng aking isipan sa pagtulog ko nang basa ang buhok. Nagsaliksik naman ako pero wala naman akong nabasang nakakasira ito ng ulo. Ang lumabas lang na epekto nito ay scalp fungus, hair breakage at bad hair day the next morning. O, nakakabaliw ba 'yon?

Unang araw ng pasukan, unang klase. Nakaharap ko na naman ang parehong gurong nagbasak sa 'kin sa parehong subject na kailangan ko ngayong balikan. Nagpuyos ang aking damdamin. Hindi dahil napagalab ito ng pagnanasang patunayang karapat-dapat akong pumasa kundi dahil naisip kong ako lang ata ang bumagsak sa klase namin. Ora ora burning moment ko ito. Pakiramdam ko konti na lang sasabog na ako habang binabasa ko ang parehong syllabus na binasa ko nang parehong semestre noong isang taon. tO___ot Woooh! Ang sarap punitin ng syllabus sa harap ng prof at bigla na lang mag-berserk. Lalo pa noong nakikipagbiruan siya dun sa mga mag-aaral ng klaseng iyon, close ata sila. Hindi ko nagawang mapangiti man lang kahit na anung funny ng mga punchline. Isa pa nung sinabi na nyang sagutan ang bahagi ng syllabus na Personal Goal. Ang naisip ko lang nang mga panahong iyon: To pass and to pass and to pass.. times two.. times three.. Infinity. And graduate or I'll be stuck here. t**! Mabubulok na ko dito. Loser forever. tO_Ot talaga!

Ubos na ang stock ko ng chocolate, wala na akong Happy Mood Food. Asukal na lang, hahaha.

Day 2: Stuck with a mad scientist, or atleast ganon ang feeling. Propesor ko sa isa pang back subject ang parehong propesor na nagbagsak sa ilang kaibigan kaya kinailangan nilang ulit ang parehong subject na uulitin ko ngayon. tO_Ot na naman. Sila ngang magaling sa Math ay di umubra, ako pa kayang konti lang ay panic na at naha-highblood sa mga problem solving at pagkakabisa ng kung anech-anech na formula. Siyeeeeht! tama na! Hehehe.

Ano ba ang significance sa sangkatauhan kung umamin o hinde si JLo na buntis siya?

Huwag sanang mangyari na may humiling sa akin na bitawan ko ang mga pinanghahawakan ko ngayon? 'Di ako nagiinarte lang 'pag sinasabi kong  malapit na akong masiraan ng bait. Kaya kung kukunin niyo sa akin ang mga bagay na mahalaga sa akin at maaring tanging mga bagay na nagbibigay sa akin ng dahilan para magpatuloy, magpaalam na kayo sa taong nakilala niyo bilang Ako.

Hindi na mahalaga sa 'kin, wala na akong pakialam sa mga bagay at taong nagpapasama ng loob ko. Sabi nga sa isang kanta, I don't ever wanna feel like I did that day. Ganun din ang gusto ko. Kung kailangan kalimutan, itapon at alisin sa buhay ang anumang mga negatibong emosyon at enerhiya para lang di na muling makaramdam ng sakit. Di maging manhid pero para lang tumira ng anesthesia. Hahaha.

Sa kabila na kabi-kabilang kaguluhan, nakatanggap din ako ng sapat na compensation para sa mga sama ng loob na dinanas ko nitong nakaraang dalawang taon. May subject kami na Intro to Computer Graphics. Matututo na rin akong mag-Flash. Mabibigyan ko na ng buhay ang ilan sa mga pantasya ko sa pamamagitan ng pagdo-drawing at animation. Yeah! Pati na rin ang pinapangarap kong Flash website. Yeah! Kahit paano ay nagkakaroon ng kaunting liwanag, nagkakaroon ako ng konting vision ng masayang kinabukasan. Hehe. Sabi pa naman ng kaibigan ko mag-aral lang ako ng iba't ibang graphics churva at tutulungan nya akong ma-employ sa pinagta-trabahuhan nya. Awoooh! Kung saka-sakali baka tangkain ko rin mag-apply sa Hue Visualab para ma-meet si Julian Oh. Hahaha. Pag-ibig! Weeeh!

Sa mga taong naniniwalang chinita ako at mukha akong Hapon, Instik o kaya'y Koreano... Salamat dahil parang gusto ko na ring maniwala sa inyo. Hahaha Sa mga nagsasabing mukha akong bata, salamat. Lalo na dun sa nagsabi na mukha akong... 12 years old? Hahaha Olay ba? 10 years younger? Nyahaha!

Sige, wala na akong maisip.. Goodnight!

Sunday, November 4, 2007

Levy's Lullaby # 2 :: Breathe No More




Nagdadalawang-isip ako kung ia-upload ko to pero dahil sadya naman akong papansin kaya ipo-post ko na rin.

Mukhang tanga? Alam ko.

Comments, suggestions and violent reactions are most welcome.

ENJOY!