A Dream of You, 25 July 2009
Napanaginipan kita. Kani-kanina lang bago ako bumangon para magsulat nito. Parang ayoko na ngang idilat ang mga mata ko. Ang mga nakita ko, mga naramdaman ko... Lahat parang totoo.
May field. Rice field? Open field? Ewan. Basta provincial 'yung setting. Papunta kami dun kasama yung iba pang mga nilalang na 'di ko na papangalanan. Tumatakbo kami papunta sa isang spot dun tapos biglang nagkaron ng mist. Sabi n'ya magdikit-dikit. 'Lam mo yung parang eksena sa horror film? Parang ganun. Para daw di kami magkahiwa-hiwalay. Nag-huddle kaming lahat. Mga apat or lima 'ata kami. Ang nangyari magkatalikuran kami. Tapos, ewan, bigla na lang wala na 'yung mist tapos magkatlikuran pa rin kami pero wala na 'yung iba naming kasama. Nandun pa rin sila pero di na sila kasama sa huddle. Tapos, sabi ko sa kanya, gan'to tayo, tapos magka-lock na 'yung braso namin. Biglang pumasok si *insert name ng isa kong kakilala pero di ka-close*. Sinusubukan nyang yakapin si *'yung taong napanaginipan ko*. Inikot ko sya para di sya mayakap nung nilalang na umeksena sa panaginip ko. Ilang beses din kaming umikot hanggang nawala 'yung umeksena. Bigla na lang nakaharap na sya sa likod ko. Ang ginawa ko, niyakap ko sa akin yung kaliwa nyang braso tapos hinawakan ko yung kamay ko. Magka-lock na yung kaliwa nyang kamay at yung kanang kamay ko. Sinimulan kong haplusin ng daliri ko yung kamay nya. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib tapos nag-set in na ang consciousness ko. Unti-unti na akong nagigising. Kapag dinilat ko mga mata ko, magigising na ako nang tuluyan. Gising na ang diwa ko pero ayoko pang dumilat. Nararamdaman ko pa yung kamay nya. Ayoko kong gumalaw dahil mawawala yung sensation. Parang hawak ko talaga sya at yakap nya ako. Pero tanghali na. Kailangan kong gumising, bumangon. Kailangan ko din syang isulat dahil pwedeng mawala ang alaala ko ng panaginip. Maalala ko na napanaginipan ko siya pero magiging malabo na ang nangyari sa panaginip ko. Gumising na ako.
Ang sarap ng pakiramdam. Kahit sa panaginip lang, nakalapit ako sa kanya ng ganun kalapit. Nahawakan ko siya. Naramdaman kong mayakap niya. Kailan kaya mangyayari yun, 'no? Ngayon, nakakausap ko sya, nakaka-tambay, natititigan nang panakaw pero parang kulang. Unang beses ko syang nakita, gusto ko na sya. Kung mararamdaman nya rin sana para sa akin 'yung nararamdaman ko sa kanya... Asa pa ako. Tama. Umaasa nga ako. Malay naman natin 'di ba?
Nasu-sobrahan na ba ako sa kakaisip? Pag may pagkakataon, tinititigan ko sya ng sobra para mas maging malinaw yung picture nya sa isip ko. Gusto ko syang ipinta o kaya iguhit para kahit wala sya nakikita ko sya. Gagawin ko din yun pag sinipag ako. Pag nakapikit ako, nakikita ko na nang malinaw 'yung mukha nya sa isip ko. Pero kulang talaga. Gusto ko s'yang mahawakan, yakapin. Umaasa ako pero maging close lang kami, solve na ko. Baka kasi too much too ask. Alam naman ng langit [emo? hehe] na kahit ganun lang, masaya na 'ko. Medyo lumalabo na sa isip ko 'yung huling beses na naramdaman ko 'to. Hay, ewan.
Nakakatanga na naman ang pinost ko dito. Kaysa naman ikwento ko dito kung paano ako nahilo at bumaligtad yung sikmura ko nung sumakay ako sa Viking nung pumunta kami kahapon sa Star City. Haha, nakakahiya ako. Hindi nga ako nasusuka pag nakakainom ako o kahit malasing ako. Yun lang, haha. Panira ng araw. Anyway, ayan kinuwento ko na rin. Maiba lang.
Saka na ako magsusulat ng mas matino tungkol kay Crushie [Cute na Kalabaw].
Sayang, baka hindi nya mabasa 'to. Wala kasi syang Multiply pero may Facebook sya, hehe.
Mushy? Lovesick lang ako.

This reminds me of House MD's episode last night.
ReplyDeleteI don't watch House. Why, what about it?
ReplyDeleteava levy...ayie!!! edi post mo din sa facebook hehehe :P
ReplyDeleteyoko nga. hahahaha
ReplyDelete''Unang beses ko syang nakita, gusto ko na sya.'' -- saksi ako. xD
ReplyDeleteai. wula ba xa multiply? papabasa ko nlng sknya to.. hehe!.. jowk! ^^,v
wahahaha sige pabasa mo hahahaha
ReplyDelete