Gapang ka, gumapang sa kalaliman kaluluwa'y bibitaw
Hugot ka't humugot sa kalooban kaluluwa'y lilitaw
Lipad, isip lipad, sa kalawakan kaluluwa'y iligaw
Sa nilikha ring araw sa ating kamalayan
Naglaro sa isipan
Sa hiling ko na iligtas sa dilim
Lumitaw, pumikit ka't manigaw
Isip, bitaw
Sumilip din ang buwan sa aking kamalayan
Naglaro sa isipan
Sa dilim ko nakita
Sa dilim lumitaw
Pumikit ka't manigaw
Isip, bitaw
Lipad, isip, bitaw...
--Pinikpikan
~ Ayos. Tamang-tama sa lagay ng pag-iisip ko ngayon. Nawawala. Nagwawala. Kumakawala. Isa ito dun sa mga karaniwang araw na parang lagi kang nasa dulo ng bangin at naghihintay na may magtulak sayo o kaya naman biglang lumindol para tuluyan ka nang malaglag, masadlak sa kadilimang lalamon at papatay sa'yo. Konti na lang.
Kailangang lumaya. Di kamatayan ang kasagutan - sana nga? sumalangit nawa. - kailangan lang magtiwala, fotcha. Ganun ba kadaling bumitaw sa mga pasaning nagpapabigat sa buhay? O mas madaling bumitaw sa buhay na kay bigat? Answer it in four to five sentences and write it on a clean sheet of tissue paper. LOL. Sa totoo lang di ko alam ang kasagutan. Kahit ako ay nagtatanong.
Gusto ko magsulat ng kakaibang something ngayon kaya lang umaga na at mejo wala ako sa tamang wisyo para dito. Kaya sa susunod na lang. Hehehe.
Bago ako matulog, maitanong ko lang, sino sa inyo may kopya ng kantang ito? Di ko ma-play yung akin eh. Waaah! Parang awa nyo na!!!
Mapagpalayang gabi at umaga sa ating lahat!

- Musmos na may mga matang nananabik [Dreamy-eyed child.]