Saturday, August 30, 2008

ganyan ang takbo ng buhay, sumabay.

May mga bagay na karaniwan nating ginagawang biro dahil may kababawan at kalokohan ito hanggang sa dumating ang isang pagkakataong malalaman na natin na totoo pala ito.

Gaya na lamang noong isang araw, napatunayan ko na ang ipis 'pag namamatay ay iniipis din. Loko. Seryoso. Ilang gabi na ang nakakaraan nang may aksidente o di kaya nama'y sinasadyang nakapatay ng ipis sa sahig ng aming palikuran. Napansin kong may ilang ipis ang nagpi-piyesta na sa labi ng kapwa nila ipis. Kanibal ang mga walang'ya. Hahahaha.

Hihirit lang ako ng isa: Tangina talagang edukasyon meron sa earth. Consumeristic, komersyalisado at nakawait na sa kuko ng kapitalismo. Pa'no ba naman, andiyang siningil kami sa tuition fee ng P2K para sa librong hindi rin naman masyadong nagamit. At masyado nga naman daw kasing BASIC ang nilalaman. Eh bakit pa iyon pinabili? Mas maganda naman pala ang maituturo nang walang libro at mas marami namang alam yung propesor kaysa sa  inihaing kaalaman ng putanginang libro. At dinadala ko pa yun kapag araw ng klase ko sa subject na 'yun para lang may pabigat sa bag ko. Tangina talaga. At siningil din kami ng karagdagang Exam fee na P1700 para sa asignaturang kaakibat ng librong iyon. Certification daw. Sinama rin ito sa grading system. Magagamit daw ito sa magiging propesyon. At mase-strenghten daw nito ang ties ng pamantasan sa kumpanya na may-ari ng patent, copyright o kung anumang dapat na termino sa pagmamay-ari ng kung anumang ka-churva-hang 'yun. Sana di na lang ginawang compulsary. Sana di na lang sinabing 'yung "bond" thing. Baka di pa nadagdagan ang inis ko. Fotah.

May liwanag ang buhay or at least 'yung kwarto ko meron na ulit. Hahaha. No more dinner by candlelight. Makakapag-drawing na ako ulit. Makakapag-picture-picture ng glam-vanity. Hahahaha. Magagawa ko nang muli ang maiitim kong experimento sa lihim kong laboratoryo.

Kahit gaano ka kasaya sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid mo, kahit gaano ka-happy ang happy thoughts, di mapigilang tumambad ang masakit na katotohanan. Minsan may gamitan, may mga nanguuto, nagpapauto, utuan sessions, bolahan ever, kung anu-ano pang cheverlu na nagbabahid ng malisya sa isang inosenteng pagkakaibigan. Labo ba? Di ko lang maiwasang mag-isip. May mga nangyayari na naman makabasag-pantasya. Nakakairita. Siguro, dahil tayo ang gumagawa ng ating mga panstasya, tayo rin ang bumabasag dito. Tayo kasi ang nakaka-realize ng mga motibo, ng mga pakahulugan sa ikinikilos ng mga nakakasalamuha natin. Ayokong mag-isip ng masama pero, siguro, bahagi na ng pagkatao ko na mangusisa sa kapaligiran. Naniniwala akong iyan ang dahilan kung bakit 20/20 ang vision ko, kung bakit mistulang bionic ears ang meron ako, kung bakit may katalasan ang memorya ko lalo na sa mga pangyayari at sa pakiramdam na idinulot nito, kung bakit mejo matalas din ang panlasa at pangamoy at pati na rin ang 6th, 7th and nth sense ko. Kaya rin siguro nabigyan ako ng kakayahan sa pagsusulat para maitala ko ang mga bagay na ito. Sosyal.

Di na talaga siguro mauubos ang mga nilalang na "suckers" ng "beautiful people". May isa kasing pangyayari na kung nagkataon ay naging mitsa ng buhay ko. Fotah talaga. Hindi mo siguro ako masisi kung "ayoko ng pinaghihintay ako" dahil karaniwan kung hindi madalas, ako ay "pinagiintay, pinapaasa, naiiwan at iniiwanan", sa literal at figuratibong konteksto ng mga salitang yan. Siguro kung "ibang tao" ako, iba rin ang ginawa mo. Kupal ka talaga pero dahil kaibigan kita, mahal pa rin kita. Pero tangina ka, gaganti ako sa'yo. Gago. Hahaha. Goodluck sa'yo.

Mina-marathon ko ngayon ang album ni Sir Noel na Himig Nating Pag-Ibig. Ganda ever. Ahlavet. Yes, ang tagal kong hindi nasabi yang salitang yan.

Kaya ng autistic. May kailangan akong gawin nang mag-isa. Ang hirap ng walang hinahawakan, ng walang sinasandalan. Buti na lang anjan ang Tide with scrubber. Hahahaha. Seriously, may project nga ako ngayon. Loner mode. Ang sarap na mahirap ang irreg. Last sem ko na pero ang hirap makatawid sa kabilang kalye at mabuksan ang malaking pinto patungo sa mas malaking mundo. May mga tao mang handang tumulong ay wala rin masyadong maitutulong dahil di naman nila forte at hindi naman nila napag-aralan ang mga inaaral ko ngayon. Malas lang. Pero salamat pa rin dahil andyan kayo. Wala. Andyan lang kayo at nandito naman ako. Hahahaha. LOL.

Kahit paano panandaliangmakakabalik na ako sa band scene. Aawit ako para sa grupo ng kapatid ko na talagang idol ako. Bwahaha. Kamown. Dapat lang. Kung matutuloy, ibig sabihin walang araw ng akyat na matatamaan, iimbitahan ko kayo para mapanood nyo ako. Oye.

Gusto ko pang mag-blog-talak-talak pero kailangan nang umalis. Maya na lang ulit. Manginginain kami kila Issah. Post-birthday celebration.

O, kay husay. Babay

5 comments:

  1. true. hindi araw-araw birthday ko. =(

    ano nangyari kna issaboi? sino2 kayo? :)

    ReplyDelete
  2. puro mga tropa nya dun. umalis ako agad eh. madaming kailangang tapusin.

    ReplyDelete
  3. ano ang meron sa 'jokes' na nagmumula sa seryosos? at bakit naging 'joke' ang mga seryoso bagay?

    ReplyDelete