Friday, October 10, 2008

What good is tomorrow without a guarantee?

Sembreak na. Break na nga ba?

Sinimulan ko ang araw na ito nang walang kasiguruhan at may pagaalinlangan. Ito 'yung mga pagkakataong iniiwan mo na lang sa mga Nakatataas na Kapangyarihan at sa kamay ng kapalaran ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay. Halos maubos ang utak ko sa pagkalusaw at pati katinuan ko'y muntikan ko nang isuko sa langit. Ito ang araw. Ramdam ko ang bigat ng mundong ipinapasa sa akin. Nakagapos ang kamay ko sa expectation ng lahat. Labu-labo na ang tumatakbo sa utak ko. Para akong bilanggong naghihintay sa araw ng bitay. Di pa ako tuluyang makapagpaalam sa yugtong ito ng buhay ko dahil di ko pa rin alam kung ano ang dapat kong asahan o kung mayron nga akong maaasahang kahit ano. Bawat wakas ay may kaakibat na bagong simula pero tapos na nga ba? Meron na nga bang masisimulan?

Hindi ko rin alam.


2 comments:

  1. akala ko ba hindi ka mag-online ngayon?

    ReplyDelete
  2. sabi ko ba 'yun? haha

    oo pero kailangan ko lang talagang isulat to.

    ReplyDelete