Wednesday, November 5, 2008

Puro-strations

Ang cute ko ngayon.

Mukha akong raccoon. Or even cuter. Mukha na akong panda. Konti na lang, kulang na lang balahibo. Papasa na akong panda.

You don't always get what you want; you don't always want what you get. Kaya siguro tinutubuan ang tao ng unwanted hair. Kailangang bunutan ang kilikili at kailangang i-shave ang bigote. Ibig sabihin, kailangan kumilos para baguhin ang di mo gusto. Kung hindi, magmumukha kang ermitanyo.

Minsan may nabasa akong sulatin na nagsasabing twice beaten ka na sa laban ng buhay kung wala kang self-confidence. Pero hindi kaya mas masama naman kung mayron kang confidence na hindi mo mapanindigan? Ika nga, you talk the walk but you can't walk the talk.

Di ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Ie-elaborate ko pa ba 'to?

Ganito na lang. Ang dami kong gustong ma-achieve sa yugtong ito ng buhay ko. Kung iisipin, abot-kamay na. Kung sa tyaga lang, marami akong tyaga. Pero tiwala, sa lahat lalo na sa sarili, malapit nang ma-out-of-stock. Kung ikukumpara ito sa pag-akyat ng bundok, siguro ito 'yung parteng nasa paanan ka na ng bundok. Sa tantya mo, mababa lang at kayang i-dayhike ang bundok. Hindi iyon ang unang beses na aakyat ka ng bundok. Equipped ka naman ng kinakailangang skills at tamang gears and equipments para akyatin ang bundok na nasa harapan mo pero mag-isa ka. Nasanay kang may kasama, may tumutulong sa'yo. Marunong ka naman magbasa ng trail signs pero di ka pa rin tiwala sa kung ano'ng meron ka. Dahil mag-isa ka nga, wala kang pagkukunan ng motivation. Wala kang paghihingan ng approval kung tama ang ginagawa mo. Wala kang maaasahang magtama sa mga pagkakamaling magagawa mo. Sisimulan mo ang pagte-trek pero titigil ka makalipas pa lamang ang ilang hakbang. Aatras ng kaunti at itatanong sa sarili kung gusto mo pang ituloy ito. Masukal, magubat ang daang kailangan mong suungin paakyat. Umuulan ng panakanaka. Puputik at dudulas ang daan. Lalo kang magdadalawang-isip kung tutuloy ka pa. May isa pang problema. Hindi mo pa man natatawid ang bundok na kaharap mo pero may mas mataas ka nang bundok na gustong lusungan. Ang kinalabasan: lalo ka lang naguluhan.

Hindi ako sigurado kung maganda at tama 'yung paghahambing na ginawa ko pero pretty much ganyan ang nararamdaman ko. Gusto ko mang maging mas sinsero at matapat sa mga sinasabi ko sa pamamagitan ng pagkwento ng buong kwento. Ayoko dahil kahit sa nararamdaman ko at mga bagay na tumatakbo sa isip ko eh di buo ang tiwala ko. Di buo ang tiwala kong maihahayag ko sila nang maayos, di buo ang tiwala kong maipaiintindi ko sa lahat ng tao kung ang mga saloobin ko sa mundo, hindi buo ang tiwala kong may pagbabagong mangyayari sa pagsalaysay ko nito. Kaya ngayon, ayoko na. Hehehehe.

Sira ang momentum.

Anyway, so, ano na ang dapat kong isipin ngayon?

"Kapalaran mo na ang mamatay sa mga kamay ko. Di mo ba naisip na isinilang para sa dyan, na yan lang ang silbi mo sa buhay? Kawawa ka naman." Nagmo-monologue habang hinhimay ang alimango sa aking plato. Actually di ko pa siya nasisimulan. Galing kasi sya sa seafood kare-kare na uwi nila Mama. Di ako kumakain ng kare-kare dahil ayoko ang amoy at lasa. Pero alimango naman 'to at yun ang paborito kong seafood kahit na mejo nangangati ang labi ko at nagiging kissable lips ako pag kumakain ako non. Paliliguan ko na lang sya mamaya nang bonggang-bonga tapos ay lulunurin sa powdered soup. Haha. Walang sense. Sosyal.

Susubukan kong bumili ng sleeping pills bukas. Baka sakaling makatulong sa pagtulog ko. Hindi na ako uumagahin sa pagpipilit matulog.

Ayos sira na talaga momentum. Di ko na maalala 'yung dapat kong isulat. Na-deplete na ang emotional stimulation na meron ako. Baka gutom na ulit ako. Hehehehe. Next time na lang ulit.

Hopefully tonight, no more sleepless nights. G'nyt.

2 comments:

  1. nyak wala palang available na over-the-counter. Baka akalain nung saleslady sa pharmacy suicidal ako.

    ReplyDelete