Tuesday, October 27, 2009

Jazz a Thought : Alien Life Forms

May napanood ako sa Nat Geo kahapon, may naisip tuloy ako...

Patuloy ang tao sa pagsusumikap na diskubrehin kung may iba pang nabubuhay sa universe natin maliban sa inhabitants ng planet Earth. Continuous tayong naghahanap ng Alien Life Forms. May pakialam nga ba tayo sa alien life forms? I don't think so. Eh 'yung life forms nga na endemic sa planeta natin wala tayong pakialam, 'yung alien pa kaya? O, di ba, dahan-dahan pero walang pakundangan nating pinapatay, inuubos. Sa palagay ko, ang habol lang natin ay self-preservation. Alam nating namamatay na ang Earth, kaya tayo naghahanap ng ibang planeta para may option tayong lumipat pag tuluyan nang nawasak si Mother Earth. Kailangan natin ng bagong tahanang mai-infest, mae-exploit hanggang ma-exhaust na ulit natin ang resources tapos hanap ulit ng masisira. I doubt kung lahat tayo makakalipat dun, haha.

Hindi ba ganun naman talaga. Hindi natin yan maitatatnggi sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang civilization natin ay founded sa pagsakop, pag-angkin ng kapangyarihan at pag-assume ng control sa kayamanan ng iba. Di tayo nakukuntento sa kung ano'ng meron tayo. Ayaw kasi nating ma-obligang mag-aruga sa kung anong ibinigay sa 'tin. We want more. Mas malaki 'yung kino-control natin, mas makapangyarihn tayo, mas buo ang existence natin. Sarili lang natin ang iniisip natin. Kung meron talagang concern sa paligid natin at sa mga nakapaligid sa 'tin hindi sana tayo namomroblema sa kakulangan ngayon. Walang mas makapanagyarihan sa iba, walang nae-extinct, walang shortage ng kung ano pa man. Hello, conservation and preservation. Bleh!~

Pag nakita nating 'yung alien life forms na pilit nating hinahanap natin, ano'ng pagbati natin sa kanila, 'We come in peace, take us to your leader", tapos susundan ng isang hostile take over. Haha. Typical human behavior. Pagkatapos, gaya nga ng sinabi ko kanina, gagawin natin sa bago nating host planet ang ginawa natin sa home planet. Uulit lang ang cycle.

Well, hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang munti kong essay-essay-an. Hindi ako anti-human. May napanood lang ako kahapon tapos naglaro na ang mga salita at kung ano-anong thoughts sa isip ko kaya naisip kong magsulat nito.  With that, tapos na haha.

***

May naisip na akong solusyong sa ga-tambak na basura. Paano malilinis ang planet Earth sa basura at sa mga nagkakalat nito? Pasabugin ang lahat ng mga bulkan. Linis ang Earth. Tunaw lahat, wala na tayong magiging problema sa basura lalo na 'yung mga non-biodegradable na nagpapanggap sa biodegradable like... Wala na ring magkakalat. Haha.

Back to zero. Thank you for taking time to read my shit. Buh-bye.

No comments:

Post a Comment