Isang beses nagkaroon ako ng isang masayang pakikipagtalakayan sa isang mas nakababatang kaibigan. Nagka-kwentuhan ng mga alaala at pakikipagsapalaran ng kabataan. Sa mga napagusapan namin, napaisip ako. Kung hindi ako napadako sa parteng ito ng mundo, hindi ko siguro makikita ang mga nakikita ko ngayon, naisin ko man sa ibang buhay siguro gaya pa rin ako ng dati na may pagnanasa pero pasibo sa pag-abot nito. Nabanggit sa pag-uusap namin ang mga pangyayari at tanawin na amin nang natunghayan. Bundok-- napagusapan namin ang mga bundok na nakita at naakyat namin, at mga aakyatin pa. Biglang nagbalik sa akin, wala akong alaala ng bundok. Wala ata akong maalala sa kabataan ko na nakakita ako ng bundok. Hilig kong kalugdan ang mga likas na yaman at ganda ng mundo na nakikita ko sa mga larawan at sa telebisyon ngunit kahit naisip ko kung gaano kaganda ang mpuntahan ang mga lugar na yon, di ko ata naisip na gagawin. May alaala ako ng dagat, iba't ibang dagat, talon, ilog, mga hayop sa zoo pero di ko maalala kung may nakita na akong bundok noon.
No comments:
Post a Comment