Pansamantala, ito muna ang gagamitin kong layout. Wala akong pagpipilian dahil di pa naman ako marunong gumawa ng sarili kong layout at sawa na ko sa "frames". Tiis-tiis. Peace!
Unang araw pa lang ng klase ay nahuli na ako. Di ka kasalanan. Kahit naman umalis ako apatnapu't limang minuto bago ang oras ay di ako nahuhuli pero kanina ay masyadong mabagal ang daloy ng trapiko lalo na palabas ng baranggay. Kainis! Lumihis pa sa tamaang babaan ang tricycle dahil sa matandang babaeng kasakay ko kanina. Lalo tuloy natagalan. Pasaway na matanda yan!
Nakabalik na si Andrew pero di pa kami nagkikita. Ayon sa testimonya ng mga saksi, mas malusog na sya ngayon kaysa nung huli kaming nagkita nung isang taon. Mabuti naman; Nagpapatunay lang iyon na nakabuti ang paglayo nya at sa panahong nawala sya ay nalimutan nya o kung di man ay naibsan kahit paano ang mga bagay na bumagabag sa kanya noon na naging sanhi ng mga nangyari... Ah, basta! Masaya ako na maayos na sya ngayon. Kakamustahin ko na lang sya pag nagkita kami. maligayang pagbabalik, pare! Ano'ng bago? Sinira ni Vince ang sampayan sa loob ng bakuran nila at nilagay sa ngipin nya. Si Jobert nangayaw na rin sa ComSci at kaklase ko na sya ngayon. Kambal ang cellphone ni Amor, identical twins! Malaki ang nabawas sa timbang ni Renan dahil sa... Hehe! Ano nga ba ang sikreto nya? At ibinida nya ngayong araw na nakita nila si Angel Locsin sa Greenbelt. Nag-aaya sa SM Mall of Asia kaya lang wala pa akong pera. Ahihi! Ang kyut ng cellphone ni Val, maliit! Ariba pa rin sa pagdo-DotA sila Chrysler, ano'ng bago dun? Nagulat ako ng nalaman kong Domingo pala ang apelyido ng kaklase kong si April. Sya na kaya ang hinahanap kong "missing link" na maglalapit sa 'kin sa pinakamamahal kong si Cogie. Ewan. Dahan-dahan akong mag-iimbestiga, malay ko, malay mo, at malay nating lahat, kung meron silang kaugnayan sa isa't isa. Haha!
Naninibago ako nang pumasok ako kaninang umaga. Walang namang nagbago sa La Salle pero parang di na 'yon ang pamantasang nakilala ko. Marahil dahil ito sa nagbabadyang kalungkutan dahil alam kong huling taon na ito ng pagsasama-sama namin ng mga kaibigan ko sa dati kong kurso. Marami akong mga mukhang nakita pero di ko sila kilala. Ngayon pa lamang, kahit andyan pa sila, nararamdaman ko na ang pangungulila. Pagkatapos ng taong ito, isang taon pa akong maiiwan sa paaralang ito pero di na magiging tulad ng mga taong nakagisnan ko ang taong iyon. Mawawala na ang mga mukhang madalas kong pagsawaan, kainisan, pintas-pintasan, at pagkatuwaan. Aalingawngaw ang kawalang kwenta ng mga usapan para lamang malamang isa na lang 'yong alaala sa 'king isipan. Mananariwa ang mga karaniwang nagaganap sa isang partikular na lugar at bibigyan ka dahilang ngumita kahit na-iisa na para bang nahihibang. Magtataka kung kailan kaya kami babagtas sa daang ito ng magkakasama? Aww..
Bukas na ko magpapaka-Emo gabi na. Hehehe...
No comments:
Post a Comment