Sunday, November 4, 2007

It's Time

What time is it?

Panahon na para magtayo ng bagong banda. Fotcha! I miss performing, and hopefully, sa G-Ken Concert pa, sa November, ako makakakanta ulit sa stage. Kamown. Bigla ko na lang itong naisip kagabi pero iisipin ko pa ulit baka mapasubo na naman ako n'yan. I have plans for this sem kaya kailangang pag-isipan nang mabuti. Hahaha baka kasi nabibigla na naman ako sa pinaggagagawa ko.

Yay, Post-Climb Party sa Saturday. Woooh.. Paaartaaaay!!!

I want to go to a zoo. Kahit saan basta may wildlife kahit in captivity. Kailan kaya matatapos ang Ocean Park na ginagawa sa Manila? Pupunta talaga ako dun. Yeah! Grabe, Mahigit isang dekada na ata nang huli akong pumunta ng zoo. Gusto kong makakita ng animals... Sawa na ako sa mga "HAYUP!" hahahaha.

Dahil sobrang nabitin na ang excitement ko dahil sa outdoor outing na 'di natuloy, nag-foodtrip ako kahapon at ginastos ko na ang perang sana'y panggastos ko. Kamown. Hahaha. Grabe. Solb. Kung matutuloy pa ang lakad na iyon, haaay, saklap, baka 'di na ako makasama. Sobrang nakakainip kasi maghintay. Sa susunod na lang, teammates!

Enjoy ang Midyear Workshop, hehehe. Kung bakit, amin na lang 'yon. Weird pero nag-enjoy lahat kaya sa tingin ko hindi pa 'yon ang magiging huling beses na magkakaron ng ganong klaseng kasiyahan. Hahaha. Sana lang andun pa 'ko pag dumating ang araw na 'yon. Yeah!

Panalo si Scott at Shayne sa nakaraang SK Elections. Hoy, manlibre naman kayo! Hahaha

Ang hirap ng nate-tengga. t**! Ilang buwan na akong 'di nakakapag-drawing at nakakapagpinta, kaya di na naman ako marunong. Kahit nga ang paglangoy, akala ko madami akong natutunan sa PE class namin pero dahil matagal din akong di nakapag-swimming, hindi na naman ako marunong. Hahaha-hanep! Kahit ang matagal na pagpigil ng paghinga sa ilalim ng tubig, parang di ko na rin kaya. Para akong Pokemon na naa-unlearn ang skills. t** talaga!

Ilang araw lang ay balik-eskwela na naman tayong lahat. Di ko lam kung masasabi kong na-miss ko ang paaralan. Fotcha! Di ko pa rin naayos ang konting, maliit, islayt na aberya sa aking buhay. Kamown, ni hindi ko nga maayos ang aking damitan, ang buhay ko pa kaya. Magulo ang utak, walang malinaw na direksyon ang buhay. Masisisi nyo ba ako kung ipinanganak akong may mahinang sense ng direction. Kahit sa ibang aspeto ng buhay ko ay madali akong maligaw. Di ko makita ang liwanag *ilalagay ang kamay sa noo sabay tingin sa malayo* Hahaha corny, man! Pero seriously, kung anung susunod na mangyayari... Abangan. Hehe AYos, hectic ang sked ko. Yown, buti naman! Baka sakali umayos ang pag-iisip ko.

Kailangan ko ng inspirasyon! Kailangan ko ng idea! Ako'ng gagawa! Akong magpo-produce! Yeah! Ang dami kong gustong gawin pero di ko masimulan. Hindi dahil ako'y tamad, hindi dahil wala akong oras, hindi dahil hindi ko kaya kundi dahil... Uhh... Ano... Ewan. Bakit nga ba? Hehehe. Sabihin na lang natin na maliban sa aking Pokemon [learn and unlearn] Syndrome ay parang namamatay din ang aking sense ng pagkamalikhain dahil sa pagkatengga. 'Yun bang matagal kang nakatingin sa kawalan, habang nag-iisip ng mga ideyang di naman dumadating, habang hinihintay ang mga pangitain na hindi ko naman makita. Di ako tuloy makagawa ng bagong disenyo at di makalikha ng kakaibang mga kachurvahan. Fotcha! Fotek!

Sobrang gusto ko nang mag-cosplay. Pero.. Pero.. Pero..Di ko pa rin alam kung anung iko-cosplay ko. Sa tingin ko kaya ko nang mapag-ipunan ang cosplay at ayoko sanang matapos ang taon na di ako nakakapag-cosplay. Kamown. Suggest naman jan, people. Ayun, sabi pa nga pala ng isang nilalang na itatago natin sa palayaw na Niknok ay magko-costume daw ako sa Induction. Hala, sana di nya maalala na sinabi nya yun. Di naman nagbabasa ng blog yun eh. Hahaha.

Ang daldal ko ba? Hahaha. Wala kang choice, binasa mo to eh. Hahaha.

Panahon na ba para lumabas sa loob ng kahon? Tinatawag na ako ng buhay showbiz... Hahaha kamown! Hahaha kumokorni na tayo mga bords! LOL.

Weeeh! Gusto ko na ulit umakyat ng mawnten, yeah! Ulap.. Bundok-bundok-bundok.. Ulap.. *namilipit na gaya ni Ryuuk habang inaatake ng Withdrawal Syndrome* Hahaha. Wala pa nga pala akong backpack at bibili pa ako ng bagong rain gear dahil di ko gusto yung binili para sa 'kin.

Ayos? APIR!

This is the life, hold on tight
This is the dream, so it seems

15 comments:

  1. sa year end....more party...hehehehehe

    ReplyDelete
  2. haha...nice post levy-chan ah...anywayz, dapat gimik tayo in the future... hehe...

    ReplyDelete
  3. haba ng post mo..pero ok naman e. astig ang pagkakasulat..lumalabas ang pagkaliterary mo

    ReplyDelete
  4. wow.. record-breaker ah.. daming nagbasa.. ayos!

    ReplyDelete
  5. di ako mahilig maggigimik eh pero sige try natin minsan...

    ReplyDelete
  6. hehe wala lang magawa XD kaya nagi-inarte ako nitong mga nakaraang araw.. hehehehe

    ReplyDelete