Nakahanap na ako ng 3rd Best Speaker para sa akin. First si Romi Garduce. Sana makahingi ako ng kopya nung presentation nya nung nag-speaker sya for DMS. Second, Si panginoong Lourd De Veyra para sa Palad. At ngayon, si Roy Alvarez. Siya ay karaniwang mapapanood sa boob tube bilang mamamatay-tao, rapist at kontrabida, pero kung napanood mo siya magsalita, ang cool niya kanina. With feelings, with passion, and with conviction. Yeah! Mas lalo siyang cool, di lang dahil isa siyang environmentalist, kasi he's into the supernatural din. Psychic. Di niyo yun alam noh? Napapanood ko siya, sa mga shows na tumatalakay sa mga bagay na otherworldly. Astig talaga. Anyway, sobrang ayos ng event kahit medyo may konting delay dahil sa gulo ng palakad ng mga namamahala sa Tanghalan. Dahil sa kagustuhan kong matapos ang pakikinig sa napakainteresante at importanteng pagtalakay ni Sir Roy tungkol sa unti-unting pagkasira ng mundo at kung anu ang pwede nating magawa para mapigilan ito. Umabsent ako. Hehehe. Excused naman ako dun sa isa kong subject pero dun sa isa. Di na lang siguro. Na-miss ko na rin naman yung quiz kaya itodo na. Di ko maiwan. Mga 3:30 na nakapagsimula yung program tapos mga alas kwatro, umiinit pa lang ang usapan. Hindi na kailangang pag-isipan. Tinapos ko na yung symposium. Yeah! At Di naman ako nagsisisi. Hehehe. Ayos, first time kong nakitang sumayaw si Darwin or siguro dati ko pa sya napapanood pero di ko lang siya nakikilala. Nakita ko na rin in person si online buddy, Mheo na akala ay pinagbawalan ko siyang kumuha ng litrato. Hehehe, sorry for the bad vibes! Ang taray ng accent ni Bella habang nagho-host kanina. Medyo in gloom si Madame Weizel kanina sa kadahilanang di ko alam. Si kuya Ros naman ay medyo napraning ata kay Sir Roy dahil sa sinabi nya tungkol sa Sacred Geometry. Hahaha. Sayang pala at di ko nasabihan ang mga kapatid kong mountaineers tungkol pa naman sa environment ang topic. Nakakuha ako ng freebies. Hahaha. Tapos nun tumakbo na ako papuntang oval para... Tumakbo pa rin. Hahaha. Yeah.
Ayos. Nag-improve daw ako sabi ni Zaido Gold. Hehehe. Ang bilis nga namin kanina. Ayos. Kakayanin ko na siguro yung 20 laps ng Diagnostic Run. Ahahaha, Cristobal, w8 lng u, der na us. Blah! LOL hahaha. Sana makapag-sidetrip since Quezon naman yun, kahit Lucena siguro. Hahaha. Sa bagay, may ie-explore naman kami sa may bandang Banahaw pagkababa. Coolness!
Ayos. Nag-improve daw ako sabi ni Zaido Gold. Hehehe. Ang bilis nga namin kanina. Ayos. Kakayanin ko na siguro yung 20 laps ng Diagnostic Run. Ahahaha, Cristobal, w8 lng u, der na us. Blah! LOL hahaha. Sana makapag-sidetrip since Quezon naman yun, kahit Lucena siguro. Hahaha. Sa bagay, may ie-explore naman kami sa may bandang Banahaw pagkababa. Coolness!
No comments:
Post a Comment