Ayos na ako.
Tapos na ang delubyo. Nahawi na ang ulap na nagkukubli ng magagandang tanawin sa ilalim nito; ika nga sa mountaineering, "meron nang clearing". Bumabalik na sa dating sigla at gumagana na ulit ang hypothalamus ko kahit paano. Hindi pa gaanong bumabalik ang dati kong kapraningan pero ayos na ang kalagayan ko, sapat na para masabing buhay na kong muli.
Nakakaramdam na naman ako ng sari-saring negatibong enerhiya sa paligid. Maaring nakaapekto rito ang kakaiba kong asal nitong mga nakaraang araw. Nasasaling sila ng panandalian kong pagkamanhid sa mga emosyon pero di ito maitanggi ng mga bagay na nakikita at naririnig ko.
Ahyaoneosuhkeen, eddeewug. Wuhlakuhyeongchois. Nuhoohnaahkoosuhinyoodeetu Uttmeejyoomuhtatuhgullanpahkuditto. Muhngatuhih. Alienspeak? Hahahaha. Weird lang.
Matapos ang ilang linggong pagkakaratay sa karamdaman ng kalooban, nakabalik na ulit ako sa pagsusulat. kung napansin nyo, sari-saring ka-leche-hang "literatura" ang pinaglalalagay ko sa dito noong mga nakaraang araw at hindi ang mga salaysay na karaniwang mababasa sa mga pahina ng weblogs kong "bongang-bonga". Hehehe. Totoo nga, "pag nawala sa'yo ang tiwala sa sarili, mawawala sa'yo ang lahat". Paunti-unti, humuhupa na ang kaguluhang dahan-dahang lumalamon sa aking katinuan.
Tumahan na ang dagat. Sumisilip na muli ang liwanag sa mula sa likod ng makakapal na dahon ang matatayog na puno sa madilim na gubat na tinatawag kong buhay. Marami pang gulong susuungin, marami pang gubat na susuyurin, marami pang tuktok ng bundok na dapat marating. Alam nyo namang game ako jan at matagal-tagal pa ang ating pagsasamahan. Hehehehe
Madami pang kailangan gawin pero darating din tayo dyan. Sa ngayon, ipagdiwang muna natin ang muli kong pagkabuhay. It's so nice to be back. *kumakanta ng And I fee-heel like I just got home, and I feeeel...* Ritter, anyone?

ray of light
ReplyDeletenyahaha..
tara partaaaay!
good for you Levy. :) I want some Ritters hehehehe
ReplyDeleteI still have one box left but I'm planning to bring on Saturday to the Rockies. Hehehe
ReplyDeleteMaybe you'll get to have some of it again when I get to buy them or if they'll send me some again.
Yun nga. Hahaha
ReplyDeleteNarinig ko kasi sa tv tapos mejo sakto kaya sya ang theme song ko ngayon. hehehe