Wednesday, May 28, 2008

So much for friendship.

Paunawa: Bitter ang mababasa n'yo. Ayaw mo ng bitter? 'Wag kang magbasa.

Kakalimutan ko na sana ang ginawa mo dati. Tinapos ko na ang marami kong ka-bitter-an sa maraming bagay mula sa nakaraan. Akala ko naman totoo. Okay sana pero binalik mo na naman at dinagdagan mo pa.

Siya: Can i see you some time
Ako: aww bakit naman?
Siya: gusto ka makita ni mama eh...minsan dalaw ka naman sa bahay
Ako: hahaha sure. bakit naman daw?
Siya: kasi may kasalanan ako sayo...ikaw ang lagi kong excuse pag kasama ko bf ko kaya yun sabi niya ikaw naman daw ang pumunta sa bahay...sorry
Ako: ah.
Siya: yeah...well...i did really wanna see you too kaya lang di mo ko nirereply pag minemesage kita...busy ka cguro...kahit hindi dumaan ka lang po dito tapos pasyal na tayo kung saan...nakakabagot din kasi dito sa bahay tsaka may kukukwento pala ko sayo a katangahan ko...
Ako: okay.
Ako: pag may time.
Siya: thanks po...

Kalmado na ako hanggang sinabi mo ulit ito. Hindi ko maalala kung kelan mo unang sinabi sa akin ito pero hindi ko sigurado kung 'yun ang unang beses na ginawa mo 'yun. Hindi ka ba kung bakit hindi na kita nirereplyan sa text at sa YM? Nagtataka ka pa ba o iniisip mong okay lang sa akin ang panggagamit mo? Akala mo ba 'yon lang? May nagawa ka pa dati at bata pa tayo noon kaya may kababawan pero ilang taon ko rin 'yong ininda. Binalewala ko na 'yon ngayon pero ito na naman. Aasa ka pa ngayong gusto ko pang makipagkita sa'yo? At lalo sa mommy mo? 'Yaan mo, dahil naging close friends naman tayo, tinago ko name mo. At saka 'wag ka mag-aalala hindi ka nag-iisa. May isa pa akong malapit na kaibigan na matagal ko nang di nakikita pero nung nakita ko na siya sa Friendster at nakuha ko na number eh... Hay, naku. Okay lang naman kung 'di kami maging textmates; Una, Globe siya at Smart ako. Pangalawa, di rin naman ako mahilig mag-text at kuripot ako sa paglo-load. Pero ang mag-text ka at sabihan akong hindi ka na makaka-text dahil wala ka nang load [ito maiintindihan ko pa] pero send-an kita ng love message para pagselosin ang boyfriend mo... Tangina. Alam ko maganda pangalan [pwede for both sexes] ko pero ano yun, ginawa mo akong tibo o ginawa mo akong lalaki? Salamat na nga pala sa friendship mo noon. So, balik sa'yo. Nagkukwento ka. Ano'ng inaasahan mo, na bibigyan kita ng advice gaya ng dati? I don't think so. Hindi ako gano'n kabait. At saka mas madami akong friends na mas tunay at totoo pa kaysa sa inyo. Sana matalino ka para maramdaman ang coldness sa reply ko dahil hindi mo 'yan maririnig kailanman galing sa 'kin. Tagal pa naman nating naging friends.

Salamat pero so much for your friendship.

Sayang hindi mo mababasa ito.

14 comments:

  1. tama yan levy...enough of the user friends....hahaha

    tantanan na ang kahangalan

    ReplyDelete
  2. ang sarap mandurog ng pagkatao. grabe. kumukulo ang dugo ko.

    ReplyDelete
  3. narmdaman ko rin yan nng nag aaral pa ako meron akong isang friend or should i say acquaintance na napaka user.....pinagmumukha nya lagi akong alila sobrang badtrip.... ako nmn npka futile ng response ko sa kanya.....nggng cold lang ako sa kanya, at feeling ko wa epek sa kanya un....kapal muks

    usapang kabitteran ba ito hahaha

    ReplyDelete
  4. bitterness, the flavor of life. wahahaha

    ReplyDelete
  5. nyehehe....well anyways pbayaan mna un...ako nga di ko na pinapansin un....isa lang siya malaking tae....katulad ng taong tinutukoy ko....mga bsaura ng lipunanan na dapat itapon at ilagay sa dapat kalagyan hahah

    ReplyDelete
  6. hmm ako din nafeel ko na yan...minsan kakatampo tlga maalala ka lang pag may kailangan sayo minsan ka nalang itetext banat pa pautang o kaya pahiram tsk tsk tsk...tama lang yan levy sabi nga nila walang mang gagamit kung walang magpapagamit.

    ReplyDelete
  7. nako! di totoo to! dahil kung hindi ka mabait simula pa lang hindi mo na sya ginawang kaibigan dahil matalino ka naman para maramdaman kung ang isang tao e walang kwenta o wala. mabait ka pa nga ata sakin eh. dahil ako pag umpisa pa lang nafeel ko na na ayoko. SORRY. hindi mo ko magiging kaibigan. hahaha! taray! =))

    chill lang.

    ReplyDelete
  8. nasayang lang oras mo. tsk tsk. users talaga.

    ReplyDelete
  9. hindi naman sya ganun dati o baka di ko lang sya kilala.

    ReplyDelete
  10. nung mga bata pa kami hindi naman sya ganun. ewan ko kung paano at bakit sya binago ng panahon.

    ReplyDelete
  11. naiisip ko na rin yan. sayang talaga. lagi ko naman nafi-feel na kailangan nya ako ngayon lang nya ako kinailangan ng sobra na ginamit nya ako. saklap.

    ReplyDelete
  12. imagine halos two years na kaming hindi nagkikita.

    ReplyDelete
  13. god, how sick is she??? define user..xa un >.<

    **ambata mu sa pic mu, d ko nkilala! XD

    ReplyDelete
  14. hahahaha yaan na sila. wala na sila sa listahan ko. hahahaha

    bata talaga yan. ako pa. wahahahaha two years ago pa ata yan.

    ReplyDelete