Kapalaran.
Fan girl meets idol, ang eksena:
(umabot na si Idol sa finish line, nilapitan si fangirl si idol)
Fan girl: Uyy, si Idol!
(Paunti-unting lumapit hanggang makarating sa kinatatayuan ni Idol)
Fan girl: Sir, pwede po bang magpa-picture? (inagaw si idol sa kausap nito)
Idol: (pabiro) Bakit, ano'ng meron? (papasok ang mga groupies)
(*click*click*)
Idol: Bakit di kayo tumakbo?
Fangirl: Ang aga po (sabay tawa)
Idol: Mga tamad..
(*click*click*)
Idol: Dapat tumakbo kayo. Tignan ninyo ko di ako tumatakbo pero...
Fan girl: Sir, kayo po ipinunta ko dito.
Idol: Ows? (napangiti ata? hehe)
(*click*click*)
Fan girl: Sir lagi po akong nanonood ng Born to be Wild (show ni Idol).
Idol: Kawawa ka naman lagi kang puyat
(*tawanan*)
Fan girl: Sir thank you po.
(tumango si Idol)
Fan girl: Ay, sir, Levy po. DSLU-Dasmariñas Mountaineering Society)
(kinamayan ni Fan Girl si Idol)
Idol: Ah, Dasmariñas. Oo...
Exit.
End of scene.
*Flashback*
Natutulog Si Fan girl at ang groupies sa sasakyan hanggang sa may tinig mula katahimikan ang nagsabing (parang echo 'yung boses kasi half-asleep si Fan girl)
Boses: Anjan si Romi Garduce.
Fan girl: Talaga anjan sya? Wow. (Excited pero sabay tulog ulit)
*Isa pang flashback*
Boses: (Siya pa rin ito)Anjan si Romi tatakbo sya.
Fan girl: Ows? (Excited na lalo) Tara dun (sa venue/ starting at finish line)
At humayo na nga ang groupies.
*flashback, one more time*
Hyper sa sobrang saya na si Fan girl at nanginginig ang tuhod sa sobrang galak.
*End of flashbacks*
AYOS talaga ang araw na ito. DESTINY. AT di pa jan nagtatapos.
Nakita ni Fan girl ang isa pang Idol. Nilapitan ng walang pag-aalinlangan.
Fan girl: Sir, pwede po magpa-picture?
Idol # 2: Sure.
(Hinarang ni Fan girl ang groupies bago pa man ito makalapit kay Idol #2)
Fan girl: Ako muna. Solo.
(picture-picture)
(Sumunod na ang iba pang groupies at nagpa-picture kay Idol #2)
End of scene.
At ito pa:
Nakaupo ang groupies sa lobby. Nagpapahinga kahit di naman sila napagod. May lumabas mula sa hotel.
Pr-in-ocess ni Fan Girl ang identity ng naturang nilalang. Ilang saglit pa...
Fan girl: Uy, si Drew Arellano. (Oo, sya nga)
Tinuro ni Fan girl sa groupies at nagbigay ng kani-kanilang komento kung gaano ka-cute si Drew Arellano. Pero di sila nakapagpa-picture. Nevermind. Hehehe.
Tapos.
At ito, isa na lang.
Sa parking lot, bago tumungo ang groupies sa venue ng event.
May dumaang magarang sasakyan at makisig na nilalang ang nagmamaneho dito.
Fan girl: (Napatingin) Uy, parang kilala ko yun ah. Si (isip-isip) Fernando (Zobel de Ayala, oo, kamukha)
Di sigurado si Fan girl.
Hanggang dumating ang awarding ceremonies. In-announce ang pangalan ng mg nanalo.
Host: And the (di maalala) place in the (di rin maalala, leg ng race) male category goes to Fernando Zobel de Ayala... (ngunit nakaalis na siya)
Fan girl: Tama. Siya nga ang nakita ko kanina.
Groupie: Ah, yung dumaan kanina...
Tapos ang eksena.
Ayos, 'di ba? Hango yan sa tunay na buhay. Kanina lang yan nangyari at di pa ako maka-getover. Ayos talaga. Destiny ko ang makasama sa biglaang lakad na ito. Sobrang biglaan lang talaga. May ka-chat lang akong mga kaibigan kagabi tapos sabi, tara sama ka na [sa The North Face 100K Trail Run sa Nasugbu], tapos madami pang sumunod na pangyayari pero nagtapos ang lahat sa pagsama ko at pagkaganap ng mga pangyayaring ito. May some kinda balak din sanang mag-dayhike sa Batulao pero di na natuloy dahil di prepared pero okay lang. Ang saya ko naman. Woooh!
Legend: Idol = Romeo 'Romi Garduch' Garduce [Garduch-sama], Boses = Kuya PJ, Groupies = DLSU-DMS Alumni; Mam Joy, Mam Audrey, Mam *nakalimutan ko pangalan*, Sir Patrick + Joan, Kaibigan = Joan, Idol #2 = Leo Oracion, Drew Arellano as himself, Fernando Zobel de Ayala as himself and Myself as Fan girl.
Madami pang kwento sa likod ng kaganapan ng mga pangyayaring ito pero ang mahalaga ay
MASAYA AKO. IKAW MASAYA KA BA? Hahahaha
Isa pang masayang pangyayari ay ang 'sikretong' inatas ko sa isang kaibigan. Wahaha. Malapit ko na ulti makita si Kawaii Boy. Bwahaha.
Akyatan na ulit, malapit na. Yehey.
Photos coming soon. Puyat ang may-ari ng camera. Patulugin muna. Hehehehe.
Bago tayo magpaalam, recall muna.
Friday, nanood ako ng DLSU Pops Orchestra. Ang galing. Pangarap ko rin ang kumanta na may kasabay na ochestra [gusto ko rin ng may choir, hehe]. Ang galing; birit kung birit hindi gaya ng iba jan *insert pangalan ng isang grupong may kinalaman sa musika, bwahaha!* na, ayon sa isa pang kaibigan, ay parang umuungol at mas magaling pa ang aso nya [sa pag-ungol, wahaha]. Saturday, BMC. Nakilala ang ilang alumni members ng DMS at nakalibre ng lunch [Pancit Malabon c/o Sir Jay-jay]. Ito rin yung araw na kinulit ko ang isa pa ulit na kabigan tungkol sa isang sikretong misyon, *evil grin*. Sabado ng gabi... Ang fateful night na nag-lead sa sugoi na araw na ito.
***
Yan. Tama na muna yan para ngayong araw. Sige, kita tayo sa mata!
PS: Posted July 28, 2008 at 5:45, may nakalimutan akong ilagay.
Nung nilapitan ni Fan Girl si Idol, Nag-joke ang kasama nito.
Friend ni Idol: Ikaw ba si Oracion? *tawa
Idol: Emata. Emata.
(sabay pose para sa groupies)
End. Hehehe Buti naalala ko.
Didn't I say that better things are coming way? See, they are. Sugoi!
ReplyDeleteFriendster Horoscope for July 27, 2008
Cancer (Jun 22 - Jul 22)
The Bottom Line:
If you want some more fun in your life, then follow friends over to the wild side.
In Detail:
Other people are having an awful lot of fun kicking up their heels right now, while you're feeling a bit stuck in the mud. The remedy is simple -- if you want a little more fun in your life, then follow your friends over to the wild side, for a little bit! They can teach you how to stop taking life so seriously. You need to start laughing at the little hiccups that are bound to happen in your day-to-day life. You need to get a new perspective, and it's coming today.
--- OH, YEAH!!!
nice...buti ka pa na-meet mo idol mu with matching photo-ops!!! matangkad ba xa? (haha la lng :P)
ReplyDeleteoo naman. second time ko na na-meet si Romi, si Leo ngayon pa lang. Pareho silang matangkad [kesa sa 'kin hehe]. Pero seriously, matangkad nga sila.
ReplyDeleteFan girl: Sir lagi po akong nanonood ng Born to be Wild (show ni Idol).
ReplyDeleteIdol: Kawawa ka naman lagi kang puyat, ako nga di ako naunuod non'!
-hahhahhahahhaha
wooooooooooooooooooot LEVY MATULOG K MUNA!
define GANADO :))
ReplyDeletewow.
ReplyDeleteahaha.. ayos!
ReplyDeletehahaha nakatulog naman ako. sarap nga eh. pagod kasi.
ReplyDeletehahahaha ganado talaga!
ReplyDeleteoye
ReplyDeletesobra
ReplyDeleteang haba ng entry ah... hehe
ReplyDeleteby the way ate, i really like ur layout... pink.. wow hehe
saka yung pic mo, ang cute... :)
syempre, kikay ako eh. wahahaha LOL hehe salamat!
ReplyDelete