Minsan may dumarating na hindi natin inaasahan. Minsan o mas madalas hindi natin agad ito nauunawaan hanggang isang araw, bubukas ang langit at makikita natin ang liwanag. Sisikat ng maigi ang araw hanggang sa pawisan tayo ng balde-balde, masusunog ang balat sa pagkabilad. Mauuhaw ka, halos ma-dehydrate sa sobrang init tapos biglang magtatago ang araw sa mga ulap at papatak ang ulan.
Payong ay bubuksan.
Di ko matandaan kung kailan ko binili ang paborito kong sneakers. Di ko rin matandaan ang huli o ni ang unang beses na ito'y aking nilabhan. Sobrang init kanina, pawis na pawis ako dahil kami'y nag-circulate ng dyaryo. Madumi na [pero mabango pa rin] ang buhok ko dahil sa polusyong di maiwasan sa pagbagtas ng daan patungo sa pamantasan.
Sakto biglang umulan.
Mainit pa ng lumabas ako kasama ang isang kaibigan para humanap ng makakainan ng tanghalian. Nasa kasarapan kami ng pagkain nang magsimulang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Tila flashflood ang sinuong namin paahon mula sa kainan doon sa may baba ng 7-11. Tela pa naman ang yari ng sapatos kong, in fairness, ay matibay. Malakas na nang sobra ang ulan nang makapasok kami sa paaralan. Dumadagundong ang kulog habang naglalakad kami sa kahabaan ng Lake Park Avenue. Ang sarap maglakad sa ulan pero sobrang hindi ako prepared. Basa ako all-over, from head to foot. Ayos.
Malas lang?
HINDE.
Ang tawag dun DIVINE INTERVENTION.

hahahahaha kaya pala ganun ang face mo kanina nung makita kita
ReplyDeletenow i know hehehe
nyahaha. bakit, sir, anong itsura ko kanina?
ReplyDelete