Friday, July 18, 2008

Nawala, nagbabalik?

Kahindik-hindik, kagila-gilalas at 'di kapani-paniwala.

Pambihira ang araw na ito. Nag-50 to 70% accurate ang ESP ko ngayong araw. Buenas. Nakita ko na ulit si Kawaii Boy *sinasabi with twinkly-eyes* kahit na sa malayo lang. Hindi ko alam pero di-maipaliwanag na sinadyang-aksidente ang lahat.

Ganito yan: sabi ng utak ko habang nanonood ng Eat Bulaga, [napatingin ako sa isang numero, 30, sa isa sa mga placards na hawak ng audience] 'yan ang makukuhang na number habang bumubunot ang host ng number ng mapipiling studio contestant. Tugma ang unang numero [na 3, dahil 37 ang nabunot] sa nakita kong number. Sunod, tanungan na. Nakita ang isa sa mga contestant, 'yung tibo, nasabi kong 'yan ang mananalo. Tinapos ko ang portion ng show. Tama. Di man naka-jackpot, pero sya ang nanalo. But then again, pwedeng coinky lang 'yun. Hahahaha. Meron na akong bagong career. LOL. Sabi sa 'kin ng utak ko ganitong oras ka umalis ng bahay, 2:15, at 'yun ang ginawa ko.  As usual, tulog mode ako sa byahe hanggang makarating sa may NCST. Lumiko na ang jeep pakaliwa at bumagal sa may bandang babaan ng Waltermart dahil may bumaba. Parang may nagsabi sa akin na lumingon sa may AMA.

Jahraaaan! *sound effects*

Isang pamilyar na nilalang ang nakita ko. Pamilyar ang bihis, pamilyar ang tindig. Di ko masyado nakita ang mukha nya dahil naka-tagilid sya [at medyo malayo ako dahil nasa jeep ako, isang kalye ang layo namin sa isa't isa] pero alam kong di ako niloloko ng mga mata ko. Sya yun. Makakalimutan ko ba ang bawat anggulo ng mukhang 'yon? Tama si Issah, mahaba na nga ang buhok nya. Halos hanggang balikat na pero ganun pa rin, delicate ang pagka-kulot at mejo blonde.

Naramdaman ko: SHOCK *na may kasamang wide smile*

Nakausap ko ulit si Issah, ngayon-ngayon lang, ganun pa nga rin daw itsura nya pero nag-mature. Hehe, di na sya siguro mukhang 12 years old baka mukha na syang 13. Hahaha. Pero seryoso, kaya ko nga sya tinawag na Kawaii Boy kasi cute talaga sya. Haaay...

Napaisip ako. Hindi na ako napakali; kailangan kong makauwi agad para mai-blog ang bagay na 'to. Kailangan kong kumain ng ice cream para pampakalma. Kailangan kong makadaan ulit dun sa may AMA baka makita ko ulit sya. At kung makita ko sya, bababa ako ng jeep para makausap sya. Seryoso. Kaya nga hindi ako agad nagbayad kasi kung nakita ko sya, hanggang Walter lang ang babayaran ko. Naubos ko tuloy ang ice cream ko nang mas mabilis sa karaniwang bilis ko sa pagkain ng ice cream. Woooh. Makapigil-hininga. Well, 'di ko sya nakita pero nabuhayan ako ulit ng pag-asa kasi alam mo ba, nung isang linggo lang eh nakita ulit sya ng kaibigan ko sa SM, bumili ng tent. Potek. AT yung araw na rin yun ata yung pumunta rin ng SM sina Des at Shaira.

Ang nasabi ko na lang: O, pagkakataon, bakit ka ganyan?

Pasintabi, isang patalastas. Nanonood ako ng PDA. Ang palagay ko: di ako mapalagay. Hahaha. I think bading si Bugoy kasi kaya nya "sinisiraan" si Van at Sen sa girls dahil gusto nya sila ma-solo. Kaya sya possessive, yun na yun. Hahaha. Palagay ko lang 'yun. Sorry sa fans nila. Bleh. *sabay tugtog ng theme song: malagkit, dumikit ang tingin sa kanya... This guy's in-love with you, pare...

Balik tayo sa main story ngayong gabi. Ilang beses ko na rin ata naisulat sa mga nakaraang posts na huling beses ko syang nakita ay sembreak, October, last year pa. Bago 'yung "11th Peak" na trip sana namin na hindi natuloy. Pambihira. Ito na naman ang simula, hehe, ng mga magagandang bagay na parating. Hindi pa ito ang huli, at sisiguraduhin kong di matatapos ang sem na ito na hindi kami nagkikita at nakakapagusap. Don't get me wrong, hindi ako umaasa ng more than friendship. Masaya lang ako at mas sasaya pa 'pag nakausap ko na sya ulit.

Ang plano: pag nakausap ko sya bago ang Intro Climb ng applicants ng DLSU-DMS, iimbitahin ko sya bilang guest. Ayos. YEAH!

No'ng isang araw, nagkaron ako ng usapang "intelektwal". Isa sa mga topics na nasagasaan namin ang conspiracy ng mundo at ng uber desire ng tao. Naisip ko ulit siya, kulang pa ba ang desire ko na makita siya para tulungan ako ng universe? Binagabag ako ng ideyang ito hanggang sa nangyari ngayong araw na ito. Pambihira talaga. Ito palang ang simula. Sobrang gusto kitang makita at makausap ulit, kahit ilang bundok at dagat ta-traverse-in ko. Anything for my Kawaii Boy.

Onga pala, may video na pala ang favorite kong song ni Noel Cabangon [second to Kanlungan]. FYI lang: sa kadahilanang di maipaliwanag at di maunawaan, kanta ko 'to para kay Angel Eyes, 'yung huling malas na taong na-link sa akin. Ito 'yung kinakanta ko tent namin sa Pulag habang di makatulog at inaaliw ang sarili. Nata-touch talaga ako sa istorya at sa mensahe ng kantang ito kahit di ko na ito inaawit para sa ibang tao. KUNG MERONG TUTUGTOG NITO PARA SA AKIN KAKANTAHIN KO 'TO. At para hindi masyadong text-heavy ang post na ito, ito 'yung video, panoorin ninyo at sabay-sabay tayong paulit-ulit na maantig at muling umibig, aiyeeeh...


Nag-Iisa, Wala Ka Na

Patalastas ulit, walang kinalaman sa mga sinundang teksto: Magka-tipo pala sa Rex [cute drummer boy] at si Toffer Rei ng Pinoy Idol. Hehehehe

Ayos ba? Haba noh? Hyper, bilog kasi ang buwan. Hahahaha.

Alam mo ba, nangamote ako sa exam kanina? Haha. Programming at program tracing. Ano ba 'yan? 'Di ba maintindihan ng universe na weakness ko yan, hindi ba ako pwedeng mapagbigyan? Last na naman 'toh o. At ito pa, gawin ba akong frozen delight? 'Yung "favorite" na pugeng prof sa Consti ng friends ko ang proctor namin at pinalipat ba naman ako sa tapat ng aircon. Hindi ko na nga alam 'yung isasagot ko sa test eh, gininaw pa ako. 'Langya. Lalo ko tuloy gustong kumain ng ice cream. Ironic pero totoo.

Uso takbuhan ngayon ano? Nung kelan lang, may One Run, One Lasalle. Tapos magkakaron din nngayong buwan ng Milo Run, Nike Fun Run at The North Face Trail Run. Ayos. Gusto ko mang sumali kaya lang, may bayad, hehe. Next time na lang.

Kailan lang, nawawalan na naman ako ng ganang mamuhay pero ngayon nae-excite na ulit ako. Kawaii Boy, Kuya a.k.a. Shiawase-niichan, BMC, Akyatan blues, Palad seminar and panginoong Lourd ULIT, yeah, kung anu-anong kapana-panabik na mga kaganapan ngayong semestre. Pambihira. Oye, beybeh. Aiyeeeh, at eto pa: ipapalabas ata as a GMA Special Documentary 'yung Denali Diaries/ Alaskan Adventure ni Garduch-sama. Waaaah. Di na ako makapaghintay. Gusto ko rin tuloy mag-international peak pero di ko ma-imagine na kakayanin ko 'yung ganun kalamig.

Paningit: Ang kulit ng Moymoy Palaboy. Hahahaha.

Di ko pa rin tapos ang projects ko. Walang gana. Hahahaha. Minsan excuse natin pag may gusto tayong gawin na hindi natin magawa ay kakulangan sa motivation. Pero ang totoo... Hindi ko rin alam ang totoo. Naalala ko lang 'yung sinabi ni Sir Lourd nung nag-seminar sya last year, force yourself. Wala lang. Hindi ko na maalala 'yung buo nyang sinabi pero may video ako nun, hanapin nyo na lang. Hindi ako magbibigay ng palagay ko o kaya naman ng kahit anong wisdom o pangaral. Hahahaha. Naalala ko lang talaga.

Kung mababasa mo lang sana ito, malalaman mong na-miss kita ng sobra kaya gustung-gusto na kita makita. Miss na kita, pa-kiss...

Sino si Kawaii Boy? Itanong n'yo sa akin.

May ipo-post sana ako tungkol sa tree planting namin with HSBC at birthday ni Paul the same day pero tinatamad na akong tapusin ang post na 'yon kaya di ko na ipa-publish. Kwentuhan na lang tayo kung gusto mo.

Aww, gutom na ako at gusto ko nang maligo. May lakad pa nga pala ako bukas at in fairness, masakit na ang mata ko.

O, sya... Bukas na lang ulit!!! 

PS: Mukha na namang paintbrush ang dulo ng buhok ko. Hahaha Buh-bye!

5 comments: