Monday, July 28, 2008

So SONA... NOT!!! So not. Hahaha

Hindi ito tungkol sa SONA dahil, una, hindi ako nanonood no'n at, pangalawa, SONA or no SONA, alam naman natin ang tunay na kalagayan ng bansa.

Ayt? So much for that. Moving on...

Teka. Ito na. Hinga ng malalim sabay sigaw...

Nang pabulong: WAAAAIIIYIHEEEEEEEEE!!!

Nakita ko na ulit siya! Nakausap ko na rin siya! Nakuha ko na rin number niya! Wahahaha. Kung alam mo lang, muntik nang malaglag ang puso ko at nanginginig ang lola mo. Wahahaha. Tae. Di ko alam kung ano ang itsura ko nun pero di ko maitago ang kaba at saya. Nasabi ko na. Isasama ko siya sa first climb as guest. Tuloy na ang maitim kong balak. Bwahaha. Walang kokontra.

Ayos talaga. Umaayon sa 'kin ang universe. Alam mo ba kung paano ko siya nakita at nakausap? Ganito 'yun.

Wala ang prof ko sa kaisa-isa kong subject para sa araw na ito kaya tumambay na muna ako sa opisina ng HF. Wala din ginagawa dun at mainit pa rin dahil di pa rin ayos ang aircon. Tatlong buwan na iyon, sobrang bagal ng Purchasing Dep't. Naisip kong umuwi na ng mga bandang alas diyes. Sa Gate 1 ako dumaan, as usual. At gaya ng nakasanayan, silip mode ako sa posibleng pagkakitaan ko sa kanya dahil nasabi sa aking nakikita siya minsan sa mga lugar na iyon. Pero wala akong nakita dun. Anyway... Dahil walang takoyaki, kwek-kwek na lang kinain ko. Sumakay ako ng jeep at umupo dun sa tabi ng driver. Di pa agad ako nagbayad dahil somehow, may nararamdaman akong something. Inintay kong makaraan  sa AMA. Nang nasa may AMA na, sa isa sa mga tindahan sa malapit dun, natatakpan ng trapal may nakita akong pamilyar na pangitain, 'yung bag na itim na may kulay orange at brown na pantalon. Lumampas ng konti, sinilip ko ang mukha ng may-suot ng mga bagay na yon. At di ako nagkamali, siya nga iyon. Ilang segundo pa, dali-dali akong nagbayad, bumunot ako ng 10-piso sa bulsa, pumara, dito na lang po, sabay baba.

This is it. May gulat, walang malisya epek. Tumingin-tingin ako sa ibang direksyon para kunwari di ko sya nakita. Tapos nakita ko syang lumingon sa direksyon ko. Napatingin na rin ako. Kunwari di ko siya nakilala, naningkit ang mata, biglang, uyyy... Nilapitan ko siya and the rest is history. Bleh.

Ilalagay ko pa ba yung convo namin dito? Wag na. Akin na lang 'yung memory na 'yun at saka para may element of secrecy. Aiyeeeh. Hahahaha. Kelan ba preclimb meeting? Ahihi.

Ang saya ko, YEAH!!!

8 comments:

  1. hahahaha pano mo napaayon sayo ang universe? naku bakit sabi nila isipin mo lang i attrack mo daw yung gusto mo mangyari isipin mo ng isipin bakit sakin di nag wowork?? hahahaha

    ReplyDelete
  2. faith. hope, trust at fairy dust. hahaha

    pero seriously, siguro paniniwala at pananalig lang. oye!

    *chants: I believe. I believe. I believe.

    ReplyDelete
  3. CGE hahahaha gagawin ko yan everyminute every second hahahaha mag chant ako hahahah ibelive i believe hahaha

    ReplyDelete
  4. tawa ka jan ah! haha makikita ko yan sa climb! HAHAHA

    ReplyDelete
  5. dapat talaga paminsan-minsan humaharot para mas makulay ang buhay...

    ReplyDelete