Start: | May 31, '06 7:00p |
Location: | Mag:Net Katipunan |
benefit of 5 peasant workers falsely accused as
communist rebels and behind destabilization plot
against the government.
Tugma sa Laya II
gaganapin sa Bahandi, J. Nakpil st.,
Malate, Manila.
sa pagtutulungan ng ST-Exposure, ARREST
GLORIA at KM64
Mga kaibigan,
Magandang araw sa inyong lahat! Sana'y nasa
mabuting kalagayan tayong lahat kahit na
kasindalang ng tubig sa disyerto sa ngayon ang
mabubuting pangyayari sa ating bansa.
Noong Abril 28, isang makata -- si Axel Alejandro
Pinpin, 1999 fellow ng UP Creative Writing Center
at may-akda ng isang koleksiyon, ang “Tugmaang
Walang Tugma” -- ay dinukot ng mga elemento ng
Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of
the Philippines (AFP) sa Tagaytay City, kasama ng
apat na iba pa. Pinararatangan silang
mga "rebeldeng komunista" at kasangkot sa isang
planong "destabilisasyon."
Si Pinpin, konsultant ng Kalipunan ng mga
Magsasaka sa Kabite (Kamagsasaka-Ka) at ang
kanyang mga kasamahan -- si Riel Custodio,
kasapi rin ng Kamagsasaka-Ka; at sina Aristedes
Sarmiento, Enrico Ybañez at Michael Masayes ay
papunta noon sa Maynila upang lumahok sa
demonstrasyon ng Mayo 1. Ngunit bandang hapon
niyon ay hindi na nila sinasagot ang mga mensahe
at tawag sa kanila, at doon lumitaw ang hinalang
sila'y dinukot at nawawala.
Hapon na ng Mayo 1 nang sila'y iharap ng PNP sa
midya sa isang press conference -- mahigit sa 48
oras mula nang sila'y "dakpin" -- at noon na lamang
nalaman ng kanilang mga kasamahan at kamag-
anak ang nangyari sa kanila.
Nang sila'y iharap sa midya, kapansin-pansing may
benda ang paa ni Custodio, paika-ika si Sarmiento,
at mukhang galing sa isang atake ng hika si Pinpin.
Mga palatandaan itong pinahirapan sila ng mga
humahawak sa kanila.
Sila ngayo'y kumpirmadong nakapiit sa Camp
Vicente Lim sa Canlubang, Laguna.
Magpahanggang sa mga oras na ito'y nahihirapan
sa pakikipag-ugnayan sa kanila ang mga
kasamahan at kamag-anak nila.
Kung may kasalanan man sina Pinpin upang sila'y
ganoonin, iyon ay walang iba kundi ang kanilang
pagiging kasapi ng isang ligal na progresibong
organisasyon. Hindi iilang batayang karapatang
sibil ang nilalabag sa ganitong pangyayari.
Kaugnay nito, ang Southern Tagalog Exposure, sa
pakikipagtulungan sa Artists for the Removal of
Gloria (ARREST Gloria), ay magsasagawa ng
isang poetry at music night sa Mayo 31, 7-10 p.m.,
sa Mag:Net Katipunan.
Gayundin, ang KM64 sa pakikipagtulungan sa
Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria),
ay maglulunsad ng kaparehong aktibidad na may
pamagat na “Tugma sa Laya II”. Ito naman ay
gaganapin sa Bahandi, J. Nakpil st., Malate, Manila.
Hangad ng aktibidad na ito ang makalikom ng salapi
para sa limang bilanggo, para sa kanilang mga
pangangailangan mula sa usaping ligal hanggang
medikal na gastusin, pagkain at iba pa. Kaya
naman kami'y nagbebenta ng mga sponsor ticket
na nagkakahalaga ng P120 bawat isa.
Sana'y makaisa namin kayo sa gabing ito.
Para sa bayan,
King Catoy
Miyembro, Southern Tagalog Exposure at ARREST
GLORIA!
No comments:
Post a Comment