Ito na.
Di ko nabilang kung ilang kanta ang nagawa ng Kundirana pero matapos ang first set ay dumating na ang pinakaiintay ng lahat. Pinakilala nila ang special guest for the night. Lalong lumakas ang tilian.
Unang awit: I will be here. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Kanina lang, namomoblema pa ako kung paano makakakuha ng ticket at eto na ako ngayon. Kaharap ang entablado kung saan nagtatanghal ang idolo. Sa buong 30 o mahigit na minuto ng pagtatanghal, para akong lumulutang sa hangin habang minamasdan ang katuparan ng pangarap. Ito na siguro ang push na iniintay ko para ipagpatuloy ang pangarap na halos nakawin sa akin ng pagkakataon. Para bang dinadala ng langit sa direksyon ko ang mga tao upang itulak ako upang magpatuloy sa landas ng kapalaran. Malabo pero kung iisipin: kaya ko tinuloy ang pagsabak sa mountaineering dahil kay Romi Garduce, desididong magsulat ulit dahil kay Lourd de Veyra at ngayon ang matagal ko nang pangarap sa buhay, ang pag-awit.
Pagkatapos ng isang set, pumunta na ng backstage si Gary V at bumalik na ulit sa entablado ang Kundi boys. Nakitili ako, sabi nga, top of my lungs. Hahaha. Cute nila kasi. Sayang. Bakit nga ba di ko naisip ng mga panahong ito na gamitin ang press ID para makapasok backstage. Ma-interview kahit sandali si Gary V at magpa-picture. Pero hindi na bale, ibig sabihin lang nito, hindi pa ito ang huli naming pagkikita. Sana sa susunod na magkita kami, makausap ko na sya at maka-duet. Hindi ko palalampasin pagdating ng panahong iyon.
Nang matapos ang buong concert, syempre, hindi pwedeng hindi kantahin ang Alma Mater Song. Tapos nun, nakigulo ako sa backstage entrance. Buti na lang matangkad si Alain at na-video-han kahit paano ang paglabas ni Gary V. Dahil hindi ko kayang makisiksik sa mga taong nagpapa-autograph at magpa-picture kaya nakuntento na rin ako sa pag-picture sa plate number ng kotse nya. Hehehe. Nang nakasakay na sya ng sasakyan, akala ko tapos na ang gabi. Naglakad ako kasama si Kulas at Alain papuntang Gate 1 habang sinasariwa ang kaganapan ngayon gabi.
Ayos. Buti dun kami dumaan sa may Lake Park. Maliwanag ang La Casita at may mahiwagang tinig na umaawit. Napasilip kami at nakita, ang Chorale na inaawitan si Gary V habang may mga naglalakas-loob na magpakuha ng litrato. Nakuntento na ko na masilip s huling, sa ngayon, pagkakataon na makita ang napakatamis na nyang ngiti at umuwi na kami. Ang likod nya ang huli kong nakita dahil nakaharap ang likod nya sa pasukan ng La Casita at hassle naman sigurong kumain habang maraming nakatitig sayo.
Ang masasabi ko lang: Thank God for Bro. Gus and thank Bro. Gus for Gary V!
Napawi ang galit at pagkayamot na nadama ko ngayon araw na ito. Nagkaron na naman ako ng bagong sigla at bagong inspirasyon. Hindi ko alam kung paano isasara ang post na ito pero ang saya ko lang talaga na nangyari ang mga nangyari. Nandito ako para sa purpose na ito. Nandito ako para danasin ang mga bagay na ito. At masaya ako dahil dito.
Salamat sa lahat, dahil sa lahat, para sa lahat!!!
Amen.

grabe astig ni gary v.
ReplyDeletenaks...nakita nia c mang gary!!! salamat at nainspire ka nia kumanta ule..ur have a great voice!! platinum pare!! gudluck with that :D
ReplyDelete