Friday, January 25, 2008

[Part 2] :: No ticket, no entry unless you have your Press ID *winks*

Ituloy na natin ang kwento...

Yun nga may game, pampatanggal antok. Tapos... Basta! Hindi ko na maalala eh. Basta tinapos ang convention sa pamamagitan ng pag-awit ng Alma Mater Song na pinangunahan ng DLSU-D Chorale. Tapos eskapo. Nagpaalam na ako sa iba para pumunta sa opisina ng HF para "magpalamig ng ulo". Sa mga oras na ito nauna na si Alain sa ULS, pinaalis ko na rin si Kulas dahil mga alas-kwatro pa lang ay mahaba na ang pila, alas-singko na ata natapos at malamang pinapapasok na ang mga manonood. Nakarating ako ng office at inabutan sila Kuya Jonas, Travis, Vane, Paul at Rikichan. Gusto manood ng iba pero dahil napaka-ilap ng mahiwagang ticket, kaya ayun, stuck up kami sandali. Habang busy sa kani-kanilang gawain ang iba, nandun ako nakipag-kulitan sa, kanino pa nga ba, OCM na sadyang makulit din. Pisikalan to. Hahahaha. Nagsikuhan kami, nagkwentuhan, nagsikuhan ulit, kumain ng marshmallow na may filling, nag-asaran, at nagsikuhan ulit. Nagpatuloy ito nang ilang minuto hanggang isang tawag sa telepono ang bumago ng sawi kong kapalaran.

*Nag-ring ang pinagpalang telepono*

Sinagot ni Vane, si Dean Martin ang nasa linya. Tinanong kung ilan kami, kung may ticket kami at sinabing hahanapan daw kami ng ticket. Tinanong kung dala namin Press ID namin at itatanong nya daw kung pwede yun para makapasok. Swerte! Lagi kong dala ang Press ID ko. Hahaha. Nabuhayan ako ng loob. Muling nabuhay ang excitement kong nilamon ng pagkayamot. Ilang minuto pa. Inintay ulit namin ang tawag ni Dean. Ayan na't nag-ring ulit ang telepono. Halos mapasigaw ako sa natanggap na balita. Pwede ang Press ID! Huwaaah! Naunawaan ko na ang dahilan ng langit kung bakit hindi natuloy ang pag-akyat namin ng Pulag. Gusto nyang makita ko si Gary V, upang mabuhayan ulit ng loob, upang muling gisingin ang pangarap na tila ba ninakaw sa akin ng panahon. Sobrang nagpapasalamat ako sa langit. Kaya lang isang bagong problema naman ang dumating. Di kasing bigat ng paghahanap ng di mahanap dahil sobrang ilap na ticket pero problema pa rin. Gusto nga manood ng iba pero di naman dala ang ID, merong may dala ng ID pero ayaw naman manood. Huwaaah~ Ano'ng gagawin ko? Sabihin mo, magco-cover ka. Sabihin mo di ka na binigyan ng ticket dahil pwede ang Press ID. Sabi naman ni Paul, "Wag ka na magpalusot. Sabihin mo sabi ni Dean Martin pwede ang ID." Hahaha. Nahihiya akong pumunta dun mag-isa at saka baka mapahiya. Hala. Hahaha. Nagmakaawa ako kay Paul at Rikichan na samahan ako dun.

Makalipas ang ilang minuto, humayo na kami.

Napatigil ako sa may CSO bago pa man ako makatapak sa hagdan pababa. Food trip stop over muna. May nilalantakan ang Genshi na chopsuey at kanin. Sumobra ang pina-cater para sa CSO Convention at may softdrinks pa. Nakikain muna ako. Syempre pinili ko ang gusto kong kainin: cauliflower, baby corn at pusit tapos subo ng konting kanin tapos inom. Solb. Gusto ko pang maki-foodtrip kaya lang iniintay na ako ni Gary V. sa ULS. Hahaha.

Ang ganda ng gabing ito. Makalipas ng ilang pilitin, pumayag na rin si Paul na ihatid ako sa loob ng ULS. Hehehe, Salamat talaga nang sobra! Habang binabagtas namin ang covered walk patungo sa kinaroroonan ng isa sa mga pinakahahangaan kong mang-aawit, bituin. Umiral na naman ang natural na kadaldalan naming tatlo kaya medyo naging maingay kami sa daan. Hahaha, medyo lang talaga. Tinext ko si Alain na puntahan ako sa likod dahil meron pang bakanteng upuan sa pwesto nila. Nandito na kami sa harap. In-inspect ang bags namin tapos pasok. Umalis agad si Paul. Hindi ko maitago ang kaligayahan ko. Sinundo ako ni Alain sa likod at to my surprise, ang ganda ng pwesto nila. Hindi ganun kalapit sa stage pero ayos na rin ang view kaysa sa gilid-- bleachers. Ilang kanta pa lang daw ang Kundirana. Nandito na ako. Simula na ng gabing kay ganda.

Sa tv ko unang nakita ang Kundirana Batch 2008. Hindi ko sila actually na-appreciate non pero sa personal, may tatlong nag-standout sa cuteness. Merong tinilian ang mga kababaihan. 'Yung isa kamukha daw ni Richard Gutierrez at kung hindi ako nagkakamali, Paulo ata ang pangalan, yung isa namang crowd favorite din ay si Joseph, na sa aking palagay ay kahawig ni Sehn, isang kasamahan sa HF, at yung isa ay di ko kilala. Ayos ang mga boses pero di pa rin maitatanggi na si Gary V ang ipinunta ng karamihan ng mga tao dun. Isa na namang pagkakataon kung saan naiisip kong magiging mas masaya sana kung meron akong matinong, mahusay, at malupet na digital camera at video o di kaya'y mas maaasahang cellphone camera. Ang ganda talaga ng ULS ngayon. Bigla ko tuloy naalala ang kauna-unahan kong concert na napanood at kauna-unahan ko ding pagtapak sa Araneta Coliseum dalawang taon na ang nakakaraan. Reminiscent ang itsura nya ngayon sa mga araw na yun. Ang ilaw, ang tugtog, ang mga sigawan, at knowing na matutupad na naman ang isa sa laksa-laksa kong pangarap: Ang mapanood ng live si Gary V.

to be continued, last part: conclusion, hehehe...

11 comments:

  1. just in case gusto nyo i-add sa friendster ang Kundirana batch 2008: kundi_boys08@music.com ang email nila. Hehehe

    ReplyDelete
  2. woi OL ka uli
    enge ng pic ni gary v. hahah

    ReplyDelete
  3. tagal mo eh! may lakad ako, pagbalik ko na lang...

    ReplyDelete
  4. nice, mukhang nde ka pa makagetover ahh, hehe nde ku nakita ang kundi boys..balita ko puge daw cla T_____T

    ReplyDelete
  5. ha ha, kala mo kaw lang? I also went there... ayun hindi na nga sinimulan hindi pa rin tinapos. at wag ka nasa gitna ako nakahanap ng upuan, yan ang abilidad bwahaha,

    ReplyDelete
  6. and you're one of those that I have to thank...

    ReplyDelete
  7. I will never. Ite-treasure ko talaga ang araw na yun.

    ReplyDelete
  8. May vids naman ako ng whole set nya, hahaha

    Pangit reso pero pwede na...

    ReplyDelete