Sunday, April 27, 2008

Chu-chu-chu

April 25, Biyernes. Friday pala nun, di ko namalayan.  Para kasing walang katapusan ang takbo ng linggo ko. Di ko na malaman kung alin ang weekend at alin ang hindi. Bibilis, babagal, pero eto pa rin ako naiiwan.

Paminsan-minsan, nakakasama ko ang mga kaibigan pero may mga pakiramdam at emosyong di maiiwasan. Nakakasawa pag nawawalan ka ng dahilang magpatuloy, dahilang para ipagpatuloy ang laban ng buhay. Nakakaumay.

◦◦◦

Dito at ngayon magsisimula ang mga pagbabago; may mga magpapaalam, madaming bagong makikilala, may mga bagong simulang dapat harapin, meron din mga nasimulang dapat nang tapusin at marmi pang pagbabagong... Basta mababago.

◦◦◦

Bakit kahit magkaroon ako ng sandaling panahon para makalayo at makagpagisip,  makalipas ng ilang araw, pag nasariwa mo na at nag-sink in na lahat, malalagay sya sa archives ng memories sa utak mo, tapos babalik na naman yung makapal na rainclouds na babalot sayo. Masusulasok ka, mahihirapan ka huminga, madi-disorient ka na naman at magsisimulang magulo ang dati mo nang magulong utak. Meron pa bang hindi magulo sa mundong ito?

◦◦◦
 
Gusto kong mag-isip pero wala akong maisip. Gusto kong magsulat, pero kahit may mga titik, wala namang mga salitang nabubuo. May mga linya pero di buo ang diwa. Gusto kong ume-steady pero umiikot, kumukulot ang LAHAT. Di talaga ako makapag-isp ng diretso. Basta.

◦◦◦

Ang saya ng Grand Alumni Homecoming kahapon. Well, di sya actually Grand pero na-enjoy ko sya. Hindi yung program kundi yung bonding namin ng mga taong medyo matagal ko nang kilala pero ngayon ko lang nakakwentuhan at nakatambay. Nakita ko rin yung ilang taong matagal na nang huli kong nakita. Napaisip din ako, ng buhay pagkatapos ng kolehiyo. Wala. Weird lang.

◦◦◦

Pasensya na sa mga bagay na di ko na naman nagawa, wala lang talaga akong lakas ngayon. Babawa ako pag nagkaroon ng pagkakataon. Promise.

◦◦◦

Para naman sa'yo, kahit di mo ito mababasa, Salamat at Paalam! for now?! *wink*

7 comments:

  1. hahaha chuchuchu...oist tnx daw sa bonding moment sabi ni nee-chan nagi

    ReplyDelete
  2. hi levs, i had a great time. i hope we can talk more like last time. see you soon..

    ReplyDelete
  3. ooy.. bumabalik.. nagbabalik.. bumalik!

    "parang walang katapusan ..tulad ng paghihirap ko ngayon parang walang humpay.. .. .. .. mymymymymymy mymymymymymy mymymymymy!!"

    haahahahahahahahhahahahahahahhahahaha!!!! =))

    ReplyDelete
  4. ako din po. i'll be looking forward to that. salamat po!

    ReplyDelete
  5. Aww, di ko napansin yun ah... Nyahahaha

    ReplyDelete