Monday, April 28, 2008

Omen, oh, men?!

Papasok kaninang umaga, napasakay ako sa trike na medyo madaldal ang driver. Chika naman kami ni kuya. Nag-lecture tungkol sa edukasyon. Nakiusap si kuya na idaan muna sa bahay nila 'yong yelong binil nya sa bahay nila dahil matutunaw. Eh di ako naman, okay lang po kuya. Makailang beses ata sya nag-sorry. On the way sa bahay nila, may isang lote. Doon ako nakakita ng apat ni itim na kambing. Okay, kambing lang 'yon. Nang makarating sa Toll Bridge, sumakay ako ng jeep tapos tulog sa byahe. Padilat-dilat minsan baka kasi malapit na ako. Sa may bandang Salitran na, sa isang lote ulit, nakakita na naman ako ng apat na kambing pero ngayon brown naman. Naisip ko, hindi ako magtataka kapag mamaya makakita naman ako ng apat na puting kambing.

Weird.

Ano kaya significance ng kambing sa araw na ito? *meeeeeh (isang futile effort na gayahin ang kambing)*


16 comments:

  1. mheeeeooooo!!!!

    ayan me cute nang kambign na nagsalita ahehe

    ReplyDelete
  2. nyaaah! di ka na pusa ngayon? wahahahaha

    ReplyDelete
  3. day of the goat ngayon dear,,, haha ^.^

    ReplyDelete
  4. OT :: try ko lang ah, natuwa ako eh

    ReplyDelete
  5. aww, tapos kunwari singkit ka.. mukha ka nang probinsyanong intsik...

    ReplyDelete
  6. hehe apir kambing hehe puro apat pa ng weird naman

    ReplyDelete
  7. yung kabing namin dto laging natakas sa bakuran namin. lagi naming hinahanap. para ka daw sigurong kambing.. pahiwatig na tumatakas ka. wag ka na kasing tumakas levy! hehe!

    ReplyDelete
  8. hahahaha at ano naman ang tinatakasan ko? XP

    ReplyDelete
  9. hahaha kumusta nmn ang kambing.....read the omens according kay paolo coelho, anong ibg sabhn ng apat na kambing na magkakaibang kulay.....

    --does it mean that you should create a goat farm? hahah why not?

    ReplyDelete
  10. magpapalit na ng profile si levy... kambing na rin hehehe

    ReplyDelete