Sa di malamang dahilan, ang dami ko nang nakatha sa isip ko habang kakagatin-kinakagat-kinagat ko [kumakain ng] ang crispy-licious, juicy-licious Chickenjoy kanina. Para na akong nakapag-blog ng isang entry na kasing haba ng isang episode ng teledrama. Susubukan kong mailagay sa panulat ang lahat ng ka-random-ang naisip ko kanina para lang may magawa. Incoherent at irrelevant. Wala lang.
Hayaan mong iligaw kita sa labyrinth ng aking isipan. Try mo, kahit minsan lang.
CAUTION: Ihanda mo ang sarili mo, mahaba-habang basahan ito, in HF-speak: text-heavy...
Kararating ko lang galing sa pamantasan. Ibang katahimikan ang namamayani, nagmistulang ghost town dahil mangilan-ngilan lang ang mga taong nakita ko. Binagtas ko ang kahabaan ng West campus, tama nga ba? West nga ba ang Gate 1? Ibang kapayapaan ang meron sa La Salle. Pwede ko ngang sabihin na ito ang paborito kong panahon sa buong taon. Kakaiba nga lang talaga pag wala ang alingawngaw ng mga tawanan. Payapa pero may kurot ng kalungkutan ang paligid. Di maiwasang isiping malapit-lapit na rin akong magpaalam. Sino nga bang hindi magpapaalam? Una-una lang yan. Pero bakit parang habang lalong minamadali, laong nagtatagal. Naniniwala pa rin ako sa divine intervention at greater plan pero paminsan-minsan nauubusan ka rin ng pananalig at paniniwala. Magtatanong ka, ano nga bang gusto nyang gawin mo para sa kanya? Sino ba talaga "sya"? Bakit nga ba nandito ka pa? Ang mahabang byaheng hindi matapos-tapos. Ang buhay ay isang paglalakbay pero ang daang tinatahak ko ay parang walang babaan. Tuluy-tuloy lang, may stop overs para sa iba't ibang necessities ng buhay pero walang siguradong patutunguhan. Hindi ka lang naliligaw, bumyahe, lumuwas patungo kung saan, saan... Saan nga ba? Di mo alam. Parang balahibong nagpapatangay sa hangin, parang dahong nagpapaagos sa tubig, parang bus na nagro-roadtrip sa daang makulot, paikot-ikot. Ang bus stop: EWAN. Paano tatapusin ko tatapusin ang talatang ito? Isang bow.
Tama si specimen A nang tinawag nyang passive si specimen B. Bakit? Madami syang sinasabing gusto nyang gawin pero madami syang dahilan para di ito gawin. Nakatali sila. Saan? Sa kanilang mga dahilan. Ano namang pakialam ko dun? Wala. sinasabi ko lang. Nakakatamad kasi yayain ang mga taong nagpapatali sa mga bagay na pipigil sa kanila para maging masaya. Wala namang kaso kung sila lang yun pero minsan, nakaka-offend ang dating na para kang nakikiusap. Ikaw na yung nang-iimbita, parang nagbe-beg ka pa na sumama sila. Langya. Di na kita sasabihan, asa ka. Hahaha. Peace.
Sa huling pagkakataon, isasalaysay ko kung paanong ginugulo ang isip ko ng isang taong di naman dapat ako ginugulo. Kung alam nya o hinde ang ginagawa nya sa akin, ewan ko. Di ko na aalamin. Kung di kayang patulugin ang damdamin, papatayin na lang natin. Di ba galing nga ako sa school kanina, alam mo ba, para akong tanga. Umaasa akong makikita kita kanina. Masakit pero gusto pa rin kitang makita. Iniisip ko, isa na lang. Isang isa na lang talaga. Wala naman talaga akong gusto sa'yo pero di na ako mapakali pag nandiyan ka na. Walang amoy pero ang bango-bango mo. Pheromones... Waaah! Sana hindi kona ulit sya makita, hindi ko na ulit sya titignan. Kung di maiiwasan, keep distance na lang siguro, parang sa kalsada, parang sa trail, comfortable distance na 2 two meters. Hehehe. Konti na lang, di na kita kailangang makita. Ayoko na talaga... Kahit yang P word na yan. Ayoko nang marinig lalo na kung tungkol sa'yo. Nakakainis ka na. Ito na... This is it... Paalam. *wink*
Balik tayo sa byaheng walang siguradong patutunguhan. May nadaanan na naman akong job opening kanina sa Imus. Graphic Designer/Artist. Gusto ko ito dahil ito lang ang kaya ko. Matatapos ko ang Bachelor's degree ko sa Information Technology nang hindi marunong mag-program. Hindi naman sa wala talagang alam pero di ko naman itatangging kahinaan ko yan. Mahina ako sa Logic at mahina ako sa paggamit ng logic para makapag-program at ang mga syntax, functions at methods at kung anu-anong computer programming jargons... Masyadong marami nalilito ako, di ko mawari kung paano sila gagamitin at kakabisaduhin. Wala akong kinabukasan dyan. Ni hindi ko pa nga sigurado kung paano ko tatapusin ang naiwan kong Physics na panay pa rin Math at logic. Sa tingin ko kaya wala akong makitang bus stop sa byahe ng buhay ko kasi hindi ko alam kung saan ko gustong bumaba. Hindi ko alam ang daan dahil nasanay akong may naghahatid sa akin, nasanay na rin akong meron nang established na "bus stop". Balikan natin, bakit nga ba ito ang byaheng sinakyan ko? Kasi gusto kong maging 3D animator, gusto kong maging digital graphic artist akala ko dun ang babaan kung byaheng Computer Science ang sasakyan ko pero hindi ko natagalan. Nangayaw ako at napalipat ng bus pero halos ganun din ang tinahak na daan pero di tulad ng dati na alam ko ang gusto ko, parang ngayon, naliligaw ako. Parang naeengkanto, namamaligno, naaanayo. Paikot-ikot lang, paulit-ulit. Uobra kaya kung babaliktarin ko ang damit? Mararating ko na ba ang bus stop para sumakay sa susunod na byahe sa mas malaking mundo? Kung marating ko ang bus stop, may maabutan pa ba ako? Ano'ng meron sa bus stop? Meron nga ba talagang bus stop? Pasahero nga lang ba tayo sa bus na ito o tayo ang drayber? Pwede kayang makisakay na lang sa byahe ng ibang bus o kailangan magmaneho ng sariling bus? Bakit ko nga ba ikinukupara ang buhay sa bus at sa byaheng nilalakbay nito? Sagot sa lahat: Ewan ko rin.
Kung makakatapos akong ngayon summer sem, ano na? Ewan. Minsan binalak kong mag-call center. Nag-apply ako sa Convergys at tinawagan na ako. Pwede na sana akong magsimula pero dahil sa ilang mga kadahilanan, pinalampas ko ang isa sa mga pinakamalalaking pagkakataong dumating sa buhay ko. Una, dahil kailangan kong mag-Summer pa makatapos, maka-graduate na sa college. Di man ako makaka-marcha ngayon sa PICC, pwede pa naman next year. Anyway, yun nga, binalak kong mag-call center para makaipon sana ng pera para makapagpatuloy. Ang plano ko sana ay mag-extend ng isa pang taon since magta-trabaho naman ako at mag-iipon at magpapaka-independent pero nasira na naman ang momentum ko. Matagal nang sira ang momentum. Mas madalas kaysa hindi, nasisira ang mga big time kong plano. Kahit gaano ko siya katagal pinag-iisipan, kahit anong tindi ng preparasyon, hindi niya pa rin mapigilang sumablay. Ilang araw rin nila akong sinubukang kontakin ulit pagkatapos ng phone interview at appointment kong inindiyan. Hindi naman ako pa-importante, ano hah? Hehe di naman. Nawalan lang ako ng gana. Naniniwala rin kasi ako sa kung para sa'yo ay para sa'yo pero kung hinde, eh di hinde. Hehehe. Hindi ko na naman alam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. May pera sa call center pero di ako ang taong ipagpapalit ang tulog ko para sa pera at sa kung ano pa man maliban na lamang kung talagang gusto ko ang ginagawa ko. Sabihin nating matapos na ako ngayong summer, pagkatapos nun... Ano na? Magta-trabaho ako pero ano namang trabahong makukuha ko? Mag-showbiz na lang kaya ako? Natawa ka? Minsan ako rin natatawa. Kasi gusto ko siya pero wala akong ideya kung paano at wala akong tyaga. May talento ako pero hindi ako kasing ganda, kasing tangkad, kasing kinis, at kasing ganda ang katawan gaya ng nakikita nating mga baguhan at lalo naman ang mga beterano na ng industriya. Nasubukan ko man ngunit di pa rin sapat ang tapang at lakas ng loob na naipakita ko nang subukan kong magsasali sa mga talent search sa tv. Di nyo alam yun, anoh? Sakit ko na ang stage fright. Hindi ganyan ang paraan ng pagiging competitive ko. Mas kaya ko yung ipapasa na lang ang panlaban sa mga contest. Mas madali sana kung madi-discover ka na lang ng isang talent scout o di kaya ng isang sikat nang alagad ng sining pero di ka madi-diskubre habang nakakulong sa kwarto, hindi sa harap computer, hindi rin sa itaas ng bundok, pwede pero madalas hindi sa loob ng paaralan. Kung saan... Ewan. Minsan naluluha ako pag nanunood ng telebisyon, sinasabi sa sarili ko na ako dapat yan, o kaya naman mas magaling pa ako jan, mas maganda ka lang. Hahaha. Yun lang.
Sawa ka na ba? Hindi pa tapos. Sabi nga ni Sir Lourd:
Graduation nga pala ngayon. Well, hindi na ako nag-abalang manood o di kaya batiin ang mga nagsipagtapos. Wala nang bitterness, promise, pero wala din namang halaga ang presensiya ko dun. Ayoko na isipin. Magagalit lang ako sa sarili ko, maninisi na naman ng mga tao at magpapakabitter. Ayoko na ng ganun. Sabi a hint of bitterness, the flavor of life; Totoo pa rin yun pero, di ba, pwede namang i-moderate ang bitterness. Nevermind. Nevermind.
Haba na ba? Hehe Bukas ulit, gutom na 'ko eh.

feel free to write the worst garbage in the world
Hayaan nyo minsan ipo-post ko yung mga notes ko dun sa seminar with him. Para naman maramdaman niyo ang overwhelming power ni Lourd through his words and teaching. Hehehe. Iba talaga si Lourd. Ayos. Graduation nga pala ngayon. Well, hindi na ako nag-abalang manood o di kaya batiin ang mga nagsipagtapos. Wala nang bitterness, promise, pero wala din namang halaga ang presensiya ko dun. Ayoko na isipin. Magagalit lang ako sa sarili ko, maninisi na naman ng mga tao at magpapakabitter. Ayoko na ng ganun. Sabi a hint of bitterness, the flavor of life; Totoo pa rin yun pero, di ba, pwede namang i-moderate ang bitterness. Nevermind. Nevermind.
Haba na ba? Hehe Bukas ulit, gutom na 'ko eh.
word for the day: stochasticity, meaning randomness. wala lang.
try mo nag theater actress? =)
ReplyDeletedi pa pero naisip ko yan kasi gusto ko rin mag-theatre lalo na pag musical kaya lang...
ReplyDeleteEWAN. =)
try mo, wala naman mawawala eh =)
ReplyDelete