Sunday, March 9, 2008

Languish.

Magulo nga ba ang mundo o tayo lang ang gumugulo sa mga buhay natin?

Ang alak ay pwede nating tawaging veritaserum; Nasasabi natin ang mga bagay na di kayang mamutawi sa labi, nagagawa ang di kayang sadyaing gawin at [in my case] nagagawa ang di kayang sabihin. Maganda sigurong excuse ang pagkalasing para maging honest. Hindi man ako talagang nalasing, naisip kong iisipin lang ng mga tao na lasing ako kaya ko ginawa yun. Wala naman akong ginawang masama kundi ang maging tapat. Wala akong intensyong manakit o manloko. Nagkataon lang na yun ang pinakamagandang pagkakataon para maging totoo. Kung magkakaron ng pagkakataon, gagawin ko ulit yun dahil masaya ako at yun ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko pero naguguluhan lang ako ngayon. Bakit yun lang ginawa ko, nakahiram ako ng konting lakas na loob pero kulang pa rin. Pero there's so much more, I wanted to show.

I held him but not as tight as I would've have wanted.
I wanted to embrace him tight but I never has enough strength to do so.
I wanted to kiss him but never tried to break that wall that keeps him away from me.

Siguro, improvement na rin yung nakakilos ako para hawakan sya kahit hinyaan ko pa rin ang presenya ng mga tao na pigilan ako sa pagpapakatotoo. Wala na ang alak sa utak ko, bawi na rin ang puyat ko, siguro gutom lang ako. Ayokong tuluyang mag-give in sa pakiramdam na 'to dahil madalas na nangyayari ay nasasaktan ko lang ang sarili ko.

Ako naman talaga nauna kaya lang di ko sya inangkin. Hindi ako madaling maniwala sa mga tao, mga pakiramdam at mga nakikita ko kaya kahit nandyan na sya sa harap ko hindi ako naging agresibo. Hindi ako ganun.

Paningit: Ang mga taong may Blood Type O ay di bagay maging vegetarian dahil madami silang protein sa katawan at ang diet ay dapat composed of 80% Protein at 20% vegetable lang. Hahaha. Ayos. More excuse parang lumamon ng karne!

Unrequited love na naman ang drama ko ang masama nyan hindi ito isang isolated case. Madalas tong nangyayari sa akin at karaniwan, gaya ngayon, hindi lang sa isang tao. Hindi yun dahil salawahan ako o playgirl o malandi, pero ayoko lang talagang ma-stuck sa iisang sitwasyon at dun lang paikutin ang mundo ko. Saka malawak ang kakayahan kong magmahal. Sabi nga SPREAD THE LOVE. Hahaha.

Yay. Punta kaming Subic sa May. Libre ni Nikko. Hahahaha. Ayos!

Ang sarap ng KFC mushroom Soup sa almusal. Hahahaha.

Hindi ko alam ang mangyayari pagkatapos ng mga ginawa ko. Kung magkakagulo, ibig sabihin nanggulo ako ng buhay ng mgay buhay at ginulo ko ang buhay ko bilang resulta ng mga pangyayari. Kung magbabago ang ikot ng mundo, siguro magiging mas masaya ako kahit paano, kahit ngayon lang.

Panandaliang nawaglit ang isang taong hinahanap-hanap ko sa isip ko. Hindi kita buburahin sa isip ko kahit anung mangyayari. Hindi kita bibitawan, hindi ako bibitaw hanggang magkita tayo ulit. May iba man sa harap ko, naghihintay pa rin ako sa'yo...


No comments:

Post a Comment