Friday, March 21, 2008

Naglalakbay

Kasalukuyan akong nakikinig sa bagong album ni Noel Cabangon na Himig Nating Pag-ibig at Alon ni Bayang Barrios hindi pa nanananghalian...

Sa maniwala ka't hindi, nagninilay ako. Nagre-reflect. Nag-iisip ng mga bagay-bagay...

Pina-plano ko na ang susunod kong destinasyon, like Mt. Pinatubo ng late April/ early May or kahit after na ng Summer sem. Di ko man marating lahat, baka kasi hindi ako makasama ng Galera kung matutuloy ang tropa dahil wala akong pera at hindi na ata tuloy ang Subic trip ni Nix, at least I have something to look forward to sa mga darating na panahon...

Ilang araw na lang, pasukan na naman. Summer classes, huli ko nang semestre sa La Salle. Ilang linggo para tapusin ang mga naiwang asignatura, para tapusin ang kursong kinuha, para tapusin ang parteng ito ng buhay ko, para magsimulang magpaalam sa paaralang naging tahanan ko ng mahigit limang taon, para simulan ang isa na namang yugto sa buhay ko. Hindi man kasing engrande ng pagtatapos ko gaya ng ilang taong dapat na naging kasabayan ko, well... ganun talaga. Naniniwala pa rin ako sa "greater plans".

Ayos, dinalhan ako ng empanadang ham and cheese at halo-halo. Sarap ng summer!

Ilang tulog na lang, Pulag here I come! Di pa ako nagi-impake. Kahit paano, nakapag-warm up na sa hiking sa Makiling. Ayos. Masakit pa rin hanggang ngayon ang katawan ko. Hahaha. Kondisyon na siguro ako. Pati nga mood ay bini-build up ko na. Saya ng mga pinakikinggan kong music ngayon. Yeah!

Grabe, ganda ng buwan kagabi. Ang liwanag, full moon na kasi.

Astig talaga si Garduch-sama, para akong nag-crash course sa Land Navigation at Survival in the Wild. Pramis, magkikita ulit tayo someday...

Blessed Holy Week! Happy Summer!!!

No comments:

Post a Comment