Thursday, July 3, 2008

Bakit espesyal ang jellyace?

Dahil matamis ang jellyace. Matamis ito sa panlasa. Nagdudulot ito ng kakaibang saya dahil matamis ang iniiwan nitong alaala. Mga alaalang pinagsaluhan ng dalawang taong mahilig sa jellyace. Jellyace na matamis at malagkit, dumidikit gaya ng mga alaalang 'di mawala kahit ang kabiyak ng alaala ay naglaho na. Ikaw. Ako. Tayong dalawa. Isang magandang alaala.

Gaya ng dati, ipagbubukas ka at susubuan pa kita ng jellyace. Kung magkikita lang ulit tayo, sana. Akala ko naisilid na kita sa isang kahon na ibinaon ko sa malalim at madilim na parte ng isip ko. Pero nagpupumiglas ka, pilit kumakawala. Heto't nagpaparamdam ka na naman.

Sabi ng isang babaeng itatago ko sa pangalang Issah, nakita ka daw nya dun sa tambayan nyo nung unang araw ng pasukan at nagkatinginan pa kayo. [Ang pagbabalik ni Kawaii Boy *sabay tutunog ang mga trumpeta] Mahaba na daw ang buhok mo. Bakit nung hinahanap kita, wala man lang bakas na naiwan. Kung baga, nagkakilala tayo pero pangalan mo lang ang nalaman ko tungkol sa'yo. Nakakainis ka. Ginugulo mo na naman ang buhay ko. Tumigil na ako sa paghahanap sa'yo pero dahil nakakita ako ng bagong liwanag, bagong pag-asa. Ito ako, magbabakasakali na naman na makita ka.

Tangina, buhay ka pa pala! 'Lam mo bang sobrang miss na kita?

Jellyace. Pico de Loro. Ang maganda mong buhok. Ang malabot mong kamay.

Haaayy, buhay. Hahahaha

PS: may isusulat ako tungkol kay Shiawase pero bukas na lang.
Namnamin muna natin ang post na ito. SUGOI!!!

10 comments: