Saturday, April 7, 2007

tinatanong mo kung sino ako?

sino ako, ang tanong mo


ako ang iyong konsensya.


kung wala ka no'n..


malamang di tayo magkakilala!


sa'n ako nanggaling at sa'n ngayon nananahan?


sagot ko, sa iyong pagkatao


sa iyong kaibuturan.


ngayon, kung sa tingin mo ay wala kang pagkatao, baka nga hindi ka tao


teka, eh ano ka pala?


pati tuloy ako nagtataka..


tao naman ang iyong anyo at iyong pag-unawa


bakit ka nagpapadala sa kahayupan nila?


naghahanap ka pa rin ba ng sa iyo'y magsasalba?


sa kadahilanang iyan, kaya ako nilikha..


magpapakilala ulit ako sa'yo..


ako ang iyong konsensya..


ako naman magtatanong,


ngayong alam mo na,


magtatanong ka pa ba?


[ Conscientia by : Levy Eiva Serdoncillo, 2007 ]

No comments:

Post a Comment