Thursday, March 13, 2008

Kangaetsuku... YOU!

Wala akong magawa. Wala akong maisip... IKAW lang. Kaya ang baduy ko na naman.

Sarap ng hapunan, ang bigat sa tyan. Hahaha.
Rakenrol bukas sa ULS.
Nanood ako ng Beyond the Clouds kasama si Paul at Rikichan.

Nakita KITA pero di ako tumingin.
Di ko kaya, baduy na naman ako.

Laughtrip kanina kasama ang mga Chopsuey.

Bakit IKAW, bihira ko nang makasama?

Humihirap ang mga bagay-bagay pag kinukumpleka.
Nagpraktis na ng graduation ang mga IT Pioneer, hindi ako kasama.
Huling araw na ng pasukan bukas.

Miss na kita.

Para talaga akong tanga.
WASAK! na ang balanse ng mundo ko.
Magulung-magulo.

Tapos na ang ibang problema pero
ginugulo MO ang isip ko.


Hindi ko mapapanood ang ending ng Marimar.
Eh, ang istoryang ito, ito na ba ang ending?

Iniintay kitang mag-online o
baka naman invisible KA lang?


Nakakaloko makatingin yung isa kong crush na ang buhok ay kasing haba ng akin.
Hahaha.

Kelan ko kaya makikita ulit nang harapan ang maamo mong mukha?

For some reason, parang nakita ko si Kawaii Boy kanina pero nung nilapitan ko.
Ang layo ng itsura, ibang tao pala.
Baka di makasama si Oniichan sa 28th.
Sayang naman.

Kelan kaya ako ulit makakalapit sa'yo na di MO sya kasama?

Holy week na next week.
Ano kaya ang trip namin?
Ang astig talaga ng The Legend.
Wala pa rin akong pera for Benguet; Ang saya, sweet sacrifice na talaga si Vlad.
Hehehe for the love of Pulag.
Mag-iipon na lang ulit ako at bibili ng bagong Vladymir.
Yung mas high-tech at mas maganda ang camera.
Paalam, Vlad ko.

May naisip na akong code name para SA'YO
pero di ko sasabihin kasi madaling mabuko.

Hahahaha.
O, sya. Ayoko na, tama na muna.



 ~ Paalam, patutulugin ko muna ang puso ko.

No comments:

Post a Comment