Tuesday, October 27, 2009

Yume, yume, yume...

Napanaginipan na naman kita.

Ngayon, mas malapit ka na. Hawak kita. Plain and simple, walang special effects. Medyo fantasy-adventure pa rin ang plot ng panaginip ko. Masaya. Hawak na naman kita. Parang ayoko na namang gumising. Kung pwede lang sana na sa paggising ko ganun pa rin kalapit sa'yo, ayos lang sigurong habangbuhay na akong di managinip.

Bakit pakiramdam ko nauubusan na ako ng oras? Sabi ng kaibigan ko tumatakbo ang oras pero di ibig sabihin nauubos. Tama bang translation yan sa 'time is running but not running out'? Parang ganyan 'yung sinabi nya eh. Ewan. Nauubos nga ba ang oras? Gusto ko nang sabihin pero... Ewan.

Haaayy, Ivan...

No comments:

Post a Comment