Wednesday, June 4, 2008

May matatanaw pa rin...




Di ko akalain may maganda pa rin palang mahihita sa nanggigitata, nanlilimahid, nakasusulasok at dugyot na tulay na 'iyon'.

Tinahak ko siya isang hapon. Nag-aapoy ang kalangitan sabay sa paglubog ng araw. Naranha, dilaw, bughaw, pula. Ang baga ay unti-unting naaapula. Ilang saglit na lang ay mamamayaning muli ang kadiliman. Isang alaala na naman ang gumuhit sa aking isipan. Sayang wala akong magandang camerang dala.

Takipsilim sa overpass ng Imus.


[[flash literature? ewan. wala. bigla ko lang naisip. hehe. bow.]]

2 comments: