Friday, August 1, 2008

let's sing the rainbow song...

Darating din ang bukas
Sisikat din ang araw sa kalangitan
Hahawiin ng liwanag ang mga ulap
Mga agam-agam at mga alinlangan

Babalik din ang dating sigla
Uusbong din ang mga binhing ipinunla
Manunumbalik ang ngiti at saya
At mapapawi ang kawalang nadarama

May pag-asang darating
Hatid ng ihip ng hangin
May pag-asang darating
Hatid ng bahaghari
May pag-asang darating
Kasama mo ako sa mga paghamon mo
Kasama mo ako sa muling pagbangon mo

Abot-tanaw ko na ang bagong umaga
Abot-kamay ko na ang bagong pag-asa

May pag-asang darating
Hatid ng ihip ng hangin
May pag-asang darating
Hatid ng bahaghari

Kasama mo ako sa mga paghamon mo
Kasama mo ako sa muling pagbangon mo

Awit ng Bahaghari
Noel Cabangon

No comments:

Post a Comment