Wednesday, September 3, 2008

Aawitan kita

Tulad mo'y isang binhing sumisibol
Sa gitna ng maalong paligid
Ikaw ay isang musmos
Sa mundong akala mo'y paraiso

Ibig kong iduyan ka sa 'king mga bisig
Hahagkan at yakapin nang mahigpit
Ihahanda ko ang daigdig
May pag-ibig sa paligid


Darating din ang tamang panahon
Mahihinog at kayang harapin ang mga hamon
Mauunawaan, ang mundo'y maiintindihan
Pasikut-sikot, mahaba't makipot na daan

Ibig kong iduyan ka sa 'king mga bisig
Hahagkan at yakapin nang mahigpit
Ihahanda ko ang daigdig
May pag-ibig sa paligid

Iduduyan ka
Hahagkan at yayakapin
Ihahanda ko ang daigdig
May pag-ibig sa paligid


Awit Kay Gabriel
Noel Cabangon

No comments:

Post a Comment