Saturday, April 5, 2008

...

First time ko sa Hilagang Luzon. Ito na ang pinakamahabang byaheng natahak ko sa loob ng ilang taon at ito na rin ang pinakamatagal na panahon na nawalay ako sa bahay simula nang bumalik ako galing sa highschool.

College: best five years of my life; Induction: best five days of those five years. Hehehe.

March 28
Mejo na-late ako sa usapan. Galing pa ako sa school at tumulong sa pagsi-circulate ng schoolpapers at chumika ng konti. Haggard. Sobrang init habang nagpabalik-balik kami galing admin at Gate 1 para kunin ang mga dyaryo. Tumambay sandali at kumain. Nilibre ako ni Rikichan ng almusal hehe buti na lang. Pareho kaming gutom at di pa nag-aagahan at saka birthday nya. Wahahaha. Pagkakain, direcho na ko pauwi at nag-ayos. Last minute haggardness. Hehehe. Ilang araw na akong nagpa-pack pero di matapos-tapos.

I'm meeting my teammates at 5pm. Ang bilis ng oras. Nagmamadali ako pero lalo akong nagtatagal. Hindi ko mapagkasya ang gamit ko.

No comments:

Post a Comment