Sunday, April 20, 2008

Tsuyadane

Ang saya isipin, lalo na ng sumagot si Acceptance [isang Japanese thingy na sumasagot ng Yes, No or Maybe] ng YES.

Anong tinanong ko sa kanya?

Isang bagay na nakakapagpasaya. At least, sa akin.

Malayo man, malapit din; Ang layo nya pero pinaglalapit kami ng mga alaala. Nabubuhayan ako ng pag-asa. Naiisip ko pa rin ang mga probabilities, possibilities at chansa. Ang saya naman talaga.

Madalas kitang isipin, naiisip mo din kaya ako? O naiisip mo kayang iniisip kita? Ano kayang iniisip mo? O di kaya, sino ang iniisip mo? Siyeeeht, ang sakit!!! Hahahaha

Hindi rational ang magpapaniwala sa ganitong mga thingamajiggers pero hindi ba dapat paniwalaan ang sinasabi sayo ng utak, isip, puso, kaluluwa, intuition, instinct, ESP, psyche at ng kung anu-ano pang pwedeng magsabi sayo na tama at totoo ang mga inaakala mo.

Hindi na lang isang bagay at isang lugar ang nakakapagpaalala sa akin sa'yo. Nakikita na kita sa maraming bagay, nangangarap na akong kasama kita sa maraming lugar. Pati unan sa pagtulog, inaayos ko ang pagyakap kasi naiimagine kong ikaw yun. @__@ Weird. Ang dami ko na naman talagang naiisip...

Naku, ang dami ko nang naisulat tungkol sa'yo pero saka ko na ipo-post para may excitement. Hahahaha

◦◦◦


Sino sa inyo ang nakakaalam kung anong tawag dito at saan makakabili nito? Please reply ASAP. Salamat!

Ang saya ng Yearend Workshop namin kaya lang next post na lang ako magku-kwento. Hahaha, basta SUGOI!!!


Ureshii... Kanashii... Netamashii... Aiseki... Aigyou... Labyu... Heychu...

2 comments: