Tuesday, April 29, 2008

Missing Marius

Ilang linggo din kaming magkasama. Sinamahan ako sa aking kalungkutan at pag-iisa. Siya yung nag-iisang naiwan sa tabi ko nang halos iniwan na ako ng natitira kong pag-asa sa mundo. Balak ko sanang igugol lamang para sa kanya ang araw na ito pero sa dahilang di maiiwasan, di kami magkakasama ngayon.

Nakakalungkot. Isang beses lang pala pwede i-renew ang hiram ng libro sa AEA. Asar. Nasa kalahati pa na naman ako.

Buti nakalusot ako noong mga nakaraang linggo. Kasi kung sakali pang-apat na renew ko na ng librong iyo. Kung kailan pa naman nakikilala ko na ng husto si Marius.  Bukas ko pa ulit sya pwedeng mahiram. Pupuntahan ko na agad sya bukas ng umaga bago ako pumasok sa klase. Kita tayo bukas, Marius!

Sana lang walang maunang makahiram sa akin.

5 comments: