Friday, November 7, 2008

Talagang binitin pa.

Grrr.

And the thrill is killing me. If having to wait for hours isn't enough, I have to wait for another 2 days to see what happens next.

Grabe. Binitin pa talaga ng Survivor Philippines kung sino matatanggal sa Tribal Council tonight. Asar. Okay, so, hindi ito ganun ka-serious na topic pero naman. Pamatay. Kasi, ganito 'yun:

Kung si Marlon ang matatanggal, AYOS. Wala nang obnoxious man-boar sa SP, na palaging sinasabi na parte ng game ang pagiging madumi, traydor, at kung ano pa man. Pero di ba, kahit anong klaseng game, mali ang pandaraya. Kaya nga game, kasi dapat fair ka. Mag-strategize ka man, di kailangan manira ng iba. At saka kahit sabihin mong sa game lang ganyan ang ugali, hindi ba repleksyon ng paglaban mo sa tunay na buhay 'yung paraan mo ng paglalaro ng ano pa mang mga bagay na haharapin mo sa tunay na buhay. At saka kahit naman may kamera, eh tunay na buhay pa rin ang SP. Maliban na lang kung may script sila. Eh, si Paolo lang naman ata ang may script dun. Kung matatanggal man sya, malay mo naman mas magkaroon siya ng mas malaking future sa pagpapatawa dahil mukha siyang tanga. Hehehehe. Peace.

Kung si Kiko naman matatanggal, SO SAD pero at least makikita na siya sa TV ng mas madalas. Mas madali ko na rin siyang maha-hunting. Pero mami-miss ko siya sa SP. Kailangan pa bang ipaliwanag kung bakit ko siya gusto manatili sa game? Aiyeeh. Wag na. Basta, keep the faith. See you soon. Ahihihi.

Hindi naman sa sineseryoso ko ang pagsusulat tungkol dito. Gusto ko lang malibang at ilihis ang pag-iisip sa mga bagay na nagpapagaan ng buhay. Ayoko munang isipin ang mga problema. Ito na lang, mas masaya. At saka pasensya na, panatiko eh.

Basta kahit anong mangyari,

kiss KIKO, Mahal pa rin kita.. SOBRA. kiss

4 comments:

  1. he's in the Phils. na nga diba way before the show started? hehehehe...

    ReplyDelete
  2. haha! natawa ko sa man-boar haha!
    ito na pala yung sagot ko sa nireply ko dun sa isa mong pinost. baka si kiko yan. diba me balita na lasama sa top 5 si marlon baboy haha! pero wag naman sana. panatiko din ako. haha!

    ReplyDelete
  3. naman. pero mas visible na sya pag na-eliminate na sya. hehehehe

    ReplyDelete
  4. ayos. hehehehe nakakairita lang kasi. manonood pa rin naman ako kahit wala na si kiko dun.

    ReplyDelete